Chapter 2:
Abala sa pagsi-sit ups si Venom ng pumasok si Rock sa kuwarto niya. Prente itong umupo sa kama niya at tumingin sa kanya.
"Huwag mong kalimutan na maaga pa tayo bukas para sa Medical Mission natin."
"I'm burning up the heat on my veins..." maikli niyang sagot.
Bigla itong napasipol.
"Akala ko ba gumanti ka na kanina? Di ba nag-akyat-bahay ka na diyan sa kabila?"
"Duh... Nagbigay lang ako ng warning... I'm gonna take my vengeance, slowly and surely..." he grin evil.
"Baliw ka talaga." comment nito.
"Same as you."
Mahina siya nitong sinipa sa kanyang tagiliran. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at naupo na sa sahig. Tumingin siya dito.
"What?!" tanong niya kay Rock.
"Binasa mo bang maigi ang file ng Abbigail Trinidad Acosta na iyon?"
"Yeah.."
"Kung ganoon, alam mo na pamangkin siya ng Mayor ng bayang ito. At may anim itong lalaking pinsan na handang humanting sa'yo anumang oras kapag gumanti ka?"
"Siyempre. Pero hindi naman ako nasisindak."
Napaismid lang si Rock sa kanya. Halatang inaasahan nito ang kanyang sagot. Pagkatapos noon ay iniba na nito ang topic. Tungkol na sa strategy nila ang kanilang topic. Gagamitin nila ang Medical Mission bukas para makakalap ng mga simpleng impormasyon na kailangan nila.
Kinabukasan, maagang sinimulan nina Rock at Venom ang kanilang Medical Mission. Gagamitin nila iyon sa simpleng pagkalap ng mga impormasyon. Pasimple silang nagtatanong sa kanilang nagiging mga pasyente.
Pasimpleng nakikinig si Venom sa tsismisan ng dalawang Ale sa center. Ayon sa naririnig niya, karaniwan ng mga batang kinikidnap na nababalitaan daw ng mga ito sa T.V. ay iyong mga palaboy sa lansangan. Alam na nila ang detalyeng iyon kaya idinaan na lang niya sa buntung-hininga ang kanyang pagkadismaya. Kasalukuyang binibigyan niya ng gamot ang pasyente niyang bata. May sipon ito at ubo. Maraming tao sa kanilang Medical Mission. Biglang may umagaw sa atensyon niya.
"Scissors! Tulong po, Dok! Scissors! Nagsi-scissors ang anak ko!" tarantang wika ng isang Ginang.
Natatawang dumalo si Rock sa pasyente. Napailing naman siya at ngumiti.
"Misis, baka po seizure ang sinasabi niyo." pagtatama ni Rock.
Dinaluhan na nito ang pasyente. Napapahiya namang natigilan ang Ale. Napangiti na lang ito ng alanganin.
Samantala... Nakapangalumbaba si Abby habang nakadulog sa mesa ng umagang iyon. Hindi siya nakatulog dahil sa pesteng lalaki na iyon na pinagbantaan siya. Naghain na ang magaling niyang kapatid na si Gida ng almusal. Sinangag na kanin, sunny side up na itlog, at tapa. May kape na rin na halos mamuti na sa dami ng creamer. Napangiti siya. Alam na alam talaga ng kapatid niya ang gusto niya. Dumating na ang kanyang Mamay Lab.
"Good morning mga magaganda kong anak!" bati nito sa kanila.
"Good morning, Mamay!" bati niya.
Ito ang kanyang Magandang Mamay Lab na sobra niyang mahal at ipinagmamalaki... Ito ang kanyang ama. Tama, kagaya ng kapatid niyang si Gida, bading din ang kanyang ama. Noong bata siya, madalas siyang mapaaway dahil sa panunukso tungkol sa kasarian ng kanyang ama. Pero kahit kailan, hindi niya ito ikinahiya. Parlor ang hilig nito, at ang kapatid niya sa pananahi ng damit naman. At siya ang kinahiligan niya... Ang trabaho sa rancho. Trabahong panlalaki pero gusto niya. Kahit na magaspang siyang kumilos at panlalaki ang trabahong kinahiligan niya, babae siya... Heart and soul, babae siya.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 3: Venom Montecristo
RomantizmBadtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya par...
