Chapter 10:

11.3K 372 115
                                        

        

        Chapter 10:

Kinabukasan, pasimpleng itinago ni Venom ang kaliwa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nakakabit pa rin sa kanya ang posas dahil naputol ang susi... Nasa Men in Action siya ngayon. Nasa hallway ang mga comrades niya at may pinagkakaguluhan. Mabilis siyang lumapit sa grupo ng mga ito at...

"What's that coconut?" untag niya sa lahat.

Napalingon ang mga kaibigan niya at ngumiti silang lahat sa kanya. Amuse siyang tumingin ng makita niya si Clide Raeign... Ang pasaway na kapatid ni Cleric. Napasipol siya.

"Bakit naligaw ang talipandas na ito, dito?" tanong niya sa lahat.

Seryosong tumingin sa mukha niya ang lahat, pagkatapos ay tumawa ng malakas.

"Uy, i-share niyo naman sa akin yan?" untag niya.

"Sa wakas, naisipan na rin ni Clide na maging Men in Action agent... Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. Gusto kasing makasiguro ng boss niyang si Web sa full security ng nakababata nitong kapatid... Kaya naman, nirequired niya kay Clide na magsign in na bilang official agent... Na sana, matagal na niyang ginawa.. Puwede naman siyang tumanggi pero ewan ko sa isang ito kung bakit nadapuan ng himala..." paliwanag ni Siege.

"HU-WHAT?!!!" OA niyang react.

Naitaas tuloy niya sa ere ang kaliwa niyang kamay na may nakakabit na posas. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat.

"Uy, sinong mga sira-ulo ang kumidnap sa'yo?" tanong ni Chase sa kanya.

"A-Ahm... Ano, puwede niyo ba akong tulungan na tanggalin ito? Naputol kasi ang susi at di ko na matanggal..." sa halip ay wika niya.

Sutil na lumapit sa kanya si Sky at sinipat ang braso niya, pati ang buo niyang katawan. Ngumisi ito ng nakakaloko sa lahat.

"Guys, wala namang harm kay Venom... Hindi siya nakidnap. Kaya lang, nakakapagtaka kung bakit may bracelet siyang posas, di ba?" tanong nito sa lahat.

"Yeah. Explain bago ka namin tulungan diyan sa maliit mong problema." wika ni Ervine.

Napangiwi siya at pinagpawisan. Great, wala na kay Clide ang atensyon kundi nasa kanya na. Sumimangot siya ng katakut-takot bago magsalita.

"Kagabi... Napasuko ako." mahina niyang wika.

"HAAA?!" amuse na reaction ng mga kaibigan niya.

Nanlaki ang mga mata nilang napatingin sa kanya at sa posas na nakakabit sa braso niya.

"Hey, sino ang magaling nagpasuko sa'yo ha? Hindi ba't ikaw ang nagpapasuko? What now, ha?" tudyo ni Sky.

Ngumiti siya ng maluwag sa lahat.

"My girlfriend... Hindi ko siya mapasuko kaya ako na lang ang sumuko sa kanya." proud niyang wika.

Tumawa ng mahina ang mga kaibigan niya at napailing.

"At ano namang kinalaman ng posas diyan sa braso mo?" nagdududang tanong ni Rock.

Nawala ang ngiti niya at pasimple siyang umubo kunwari. Akma siyang tatalikod para umalis pero hinila siya ni Sky kaya napaharap ulit siya sa mga ito.

"Ako na lang ang bahala dito sa posas ko." alanganin niyang wika.

Napalunok siya ng sabay-sabay na bumunot ng baril ang mga kaibigan niya at itinutok iyon sa kanya. Nangunguna doon si Sky na nasa kanyang tabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEN IN ACTION 3: Venom MontecristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon