Chapter 6:

7.6K 232 146
                                        

                Chapter 6:

 

"Haaay, sa wakas... Natapos din ang misyon natin!" wika ni Rock.

Naka-empake na ito ng mga gamit. Pero siya ay pa-easy-easy na nakaupo sa sofa... Kasama nila doon ang mga comrades nila sa Men in Action... Si Siegfried at ang mga kasama nitong Scout Rangers ang umasikaso sa mga batang na-rescue nila. Maang na napatingin sa kanya si Nexus.

"Uy, Venom! Bakit hindi ka pa nag-eempake diyan? Huwag mong sabihing hindi ka pa sasama sa amin pauwi?" untag nito sa kanya.

"Yes of course!" masigla niyang sagot.

Natuon ang paningin sa kanya ng lahat dahil sa naging sagot niya.

"Bakit?!" curious pang tanong ni Nexus.

"May kailangan kasi akong asikasuhin dito eh. Huwag kayong mag-alala, kung sakaling kailanganin niyo ako... Isang tawag lang. Regular din akong papasok."

"Whoa! May lagnat ka ba, ha? Hindi biro ang layo ng biyahe mula rito..." sabat ni Chase.

"Manliligaw kasi ako eh. May nagusgustuhan ako dito. Kaya siguro naman, sapat nang paliwanag iyon." nakangisi niyang wika sa lahat.

Tumawa ang mga kaibigan niya.

"Siya nga pala, Nexus... Di ba tinawagan ka ni Clide? Kamusta siya?" pag-iiba niya ng topic.

"Ayon, si Clide pa rin siya... Tinulungan ko siya doon sa trabaho niya... Binayaran siya ng business magnate na si Web na hanapin ang naglayas niyang kapatid... Nahanap naman na siya ni Clide at nagustuhan ni Web ang trabaho niya kaya kinuha siyang bantay ng kapatid nito. Kailangang masiguro niya na hindi ito ulit lalayas..." kuwento ni Nexus.

Ngumiti ito ng pilyo sa lahat. Mayroon pa itong gustung sabihin.

"At salamat sa kanya dahil kung hindi siya nagpatulong sa akin... Hindi ko makikilala ang crush ko. Ha ha ha! Para akong nagbalik nito sa pagiging teenager!" natatawa pa nitong wika.

"Babae ba iyong kapatid ni Web at siya ang crush mo?" tanong ni Venom.

"Yes, babae nga. Pero hindi siya ang crush ko, kundi iyong bestfriend niya. Tsaka, bawal akong magkagusto doon sa kapatid ni Web... Mukhang type ni Clide eh."

"Oh, talaga? So, parang Crimson at Aeon lang ang peg nila?" react ni Velvet.

Umiling si Nexus.

"Malabo rin, kasi... Basta, di ko ma-explain ang dalawang iyon. Magulo."

Pagkatapos nilang magkuwentuhan ng kung ano-ano ay umalis na ang mga kaibigan niya... Napangisi si Venom, kailangan niyang umpisahan agad ang kanyang agenda. Naalala niya ang bunsong kapatid ni Abby... Ito ang susunod niyang target.

Halos mabingi si Venom sa malakas na tili ni Gida ng bigla niya itong hilahin sa sulok ng isang eskinita.

"EEeeeeeh!!!.... H-Huwag po!!!... Virgin pa po ako!!.." takot nitong wika.

Natigilan ito ng imulat ang mga mata at napatingin sa kanya.

"Ay, sige! Okay lang!" nakangiti nitong wika sa kanya.

Napaismid siya at bahagya niya itong kinutusan para magising sa ilusyon.

"Awww! Ang sama mo talagang Doktor ka!" naiinis nitong wika sa kanya.

Pagkatapos noon ay marahas niya itong ibinalya sa gilid ng pader.

MEN IN ACTION 3: Venom MontecristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon