Chapter 4:
Kinabukasan, maagang naghanda sina Rock at Venom para mamundok. Nandoon na si Siegfried at hinihintay lang sila nito. Kagaya ng dati, mga Doktor na magsasagawa ng Medical Mission ang kanilang front. May maliit na komunidad sa sa bundok, may isang tribo na nakatira doon. Lumabas na sila sa bahay pero bago iyon, may kailangan munang gawin si Venom... Napangiti siya ng masilayan ang tangan niyang boquet ng roses. Pinaghalo iyong puti at pula. Akma siyang maglalakad papunta sa bahay nila Abby ng bigla siyang harangin ni Siegfried.
"Ano iyan, ha?" puna nito.
"Magbibigay ako ng sweet good morning. Para iyan sa babaing nakatira diyan sa kabila." simple niyang sagot.
"Huh, alam mo bang ang babaing sinasabi mo ay pinsan ko? At... Nag-iisa lang siyang babae na pinsan namin..." babala ni Siegfried.
"Yeah, alam ko. Harmless ako, okay? Ipapabigay ko lang itong mga bulaklak sa kanya. Ganoon lang... Wala naman sigurong masama dahil binata ako..." nakangising wika ni Venom.
Napailing si Siegfried sa sinabi niyang iyon.
"Kalat ang tsismis na kayong mga Men in Action... Babaero. At sinasabi ko sa'yo, na ang pinsan ko... Iba siya at hindi mo siya puwedeng ihalintulad sa kung sino lang..."
"Duh... Tsimis lang iyon. Pero habulin kami, hindi iyon maiiwasan. Iyong iba siguro, babaero... Pero ako, iba ako."
Pagkatapos ay pinukol niya ng nakakalokong tingin si Rock na sinimangutan lang siya. Sabay sabi ng...
"Sinungaling!"
Tumabi na lang si Siegfried at hinayaan lang siya nitong magpunta sa bahay nila Abby. Ilang beses siyang kumatok at sinalubong siya ng Tatay ni Abby na puno ng mudpack sa mukha... Bahagya pa siyang napaatras dahil sa gulat. Natawa ito ng mahina sa naging reaksyon niya.
"Pasensiya ka na, iho... Nagulat kita. Ikaw naman kasi eh, ang aga-aga mong dumalaw."
"Eh... Pasensiya na po sa isturbo kung ganoon. Puwede po bang pakibigay niyo ulit kay Abby ang mga bulaklak na ito?" wika niya at iniabot ang boquet.
Agad naman iyong tinanggap ni Mamay Lab at napangiti sa binata.
"Salamat, tiyak na matutuwa ang dalaga ko nito. Ang gaganda ng mga bulaklak. Gusto mo bang gisingin ko si Abby?"
"Huwag na po... Aalis din naman po agad kami eh. Sa bundok naman ngayon kasi ang Medical Mission namin." wika niya.
"Ay, ganoon ba? Kung kailan libre nag oras mo... Puwede mo siyang dalawin dito sa bahay. Welcome na welcome ka."
Natuwa si Venom sa sinabi nito.
"Hayaan po ninyo, kapag libre ang oras ko... Dadalaw po talaga ako sa magandang dalaga niyo." kumindat siya dito.
Ngumiti ito sa kanya at kumindat din. Mukhang nakuha niya ang Loob nito... Next niyang target, ang nakababata nitong kapatid... Gagawin niya ang lahat pagkatapos ng kanilang mission... Sa pagkakataong ito, sumasang-ayon na siya kay Rock na dapat na itong tapusin. Masigla siyang naglakad papunta sa kanyang mga kasama na abala sa pag-uusap. At nalaman niya na nagtatanong si Siegfried ng mga bagay tungkol sa kanya... At ang magaling na si Rock, hindi man lang yata nito iniangat ang bangko niya.
"Rock, sinisiraan mo ba ako dito kay Siegfried, ha?" sita niya.
Balewalang tumingin sa kanya si Rock.
"May dapat ba akong sirain sa'yo, ha? I don't think so."
"Nah..." react na lang niya.
"Lumakad na tayo." yaya ni Siegfried.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 3: Venom Montecristo
RomanceBadtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya par...
