Chapter 3:

7.1K 266 1.1K
                                        

                Chapter 3:

 

 

'Mag-sorry daw?! Paano naman siya magso-sorry sa taong nagpahiya sa kanya? Sa taong sinabihan siya na ang pangit ng boses niya at hindi na nito malasahan ang pagkain?!' Nanggigil siyang bigla ng maalala niya ang lahat ng eksena. Hanggang sa makauwi siya sa kanila ay iyon ang laman ng isip niya.

"Dapat lang iyon sa kanya!" inis niyang turan.

Pasalampak siyang humiga sa kanyang kama. Nainis na naman siya ng maalala niya ang kapahamakang ginawa sa kanya ni Gida kanina. Inis niyang binalingan ang kanyang unan at pinagsusuntok iyon. Doon niya ibinaling ang frustrations na kanyang nararamdaman. Nang kumalma siya ay nagdesisyon siyang maligo para mapreskuhan ang utak niya at katawan.

Nagsuot siya ng jogging pants na kulay itim na may pink na lines sa magkabilang-gilid. Isang plain na puting-t-shirt naman ang pang-itaas niya. Pagkatapos niyang patuyuin ang kanyang buhok ay sumilip siya sa labas. Medyo madilim na, ganoon pa man kailangan niyang alisin ang frustrations niya. Napagpasyahan niyang lumabas at magpunta sa parang kung saan naroon ang malaking puno ng mangga... Na pinaniniwalaang matchmaker daw. Kapag naglaglagan ang mga sariwang dahon nito, ibig sabihin.. May magkakatuluyan. Hindi naman siya naniniwala du'n.

Lumabas na siya ng kanyang silid at nakasalubong niya sa sala si Gida. Ngumiti ito ng alanganin sa kanya.

"Ateh..."

"Letse, huwag mo akong kausapin!" mataray niyang wika.

Nilagpasan niya ito at dumiretso sa may pinto. Lumabas na siya at dumiretso papunta sa parang... Tumayo siya sa harap ng trunk ng puno at matagal na tumitig doon. Ilang beses siyang bumuntung-hininga para pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang pahupain ang galit na kanyang nararamdaman.

Samantala... Humahangos na tumatakbo si Venom patungo sa kanyang Captain. Pinapaulanan sila ng bala ng kanilang mga kalaban ng sandaling iyon. Bawat nakakasalubong niya, binabaril niya. Tinutulungan nilang makatawid sa border ang ilang grupo ng mga refugees. Gumapang siya at agad na tumabi kay Captain John Mason. Nagtatago ito sa gilid ng isang puno na natatakpan ng makakapal na bush.

"Ayos ka lang, Captain?!" humihingal niyang tanong.

Ngumisi sa kanya ang may edad ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, bata. Beterano yata 'to." kampante nitong wika.

Sinipat ni Venom ang katawan nito. Napatanga siya ng makita niya ang ilang tama ng bala sa katawan ng kanyang Captain. Tumingin siya sa mga kalaban. Malapit sila sa kinaroroonan ng tangke ng mga ito. Abala sa pakikipaglaban ang mga kasama nila. Akma niyang tatapalan ng tela ang mga sugat ng kanyang Captain ngunit pinigilan siya nito.

"Captain!" mariin niyang protesta.

"Venom, h-hindi na kailangan. Matanda na ako."

"Tumigil ka, Tanda!" inis niyang wika dito.

Si Captain John Mason ang itinuring na niyang ama. Iniidolo niya ito.

"Makinig ka, soldier. Aagawin ko ang mortar ng mga kalaban at titirahin ko sila. Pagkatapos noon, madi-distract sila at sa akin mapupunta ang kanilang atensyon. Samantalahin mo ang lahat ng pagkakataon para mapatumba ang turtle ( code name nila sa tank), hagisan mo ng maraming pineapple ( granada ) pagkatapos mong patayin iyong machine gunner sa itaas niya."

"S-Suicide iyan, Captain!" mariin niyang tutol.

"Wala nang ibang paraan para mapahina natin sila. Isa pa, darating na ang reinforcement!"

MEN IN ACTION 3: Venom MontecristoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon