Chapter 9:
Kagaya ng sinabi ng pinsan niyang si Andrew, late nga siya nitong pinauwi. Napagod siya kaya naman dumiretso siya sa kanyang silid at nahiga. Medyo marami siyang naging pasyente... Pasyenteng kabayo at baka. Nang makapagpahinga na siya ay agad na siyang pumunta sa banyo para magshower... Hindi niya binasa ang kanyang buhok. Pagkatapos niyang magbihis ay humiga ulit siya sa kanyang kama. Isinubsob ang mukha sa unan. Panay ang buntung-hininga niya... Nakaamoy siya ng masarap na pagkain. Napangiti siya at excited na bumangon. Gutom na siya at gusto na niyang kumain ng hapunan. Bumaba na siya at natigilan siya ng makita niya si Gida na prenteng nakaupo sa sala at nanonood ng news sa T.V.
"Bakit si Mamay Lab ang pinagluluto mo ng hapunan?" untag niya.
Tumingin sa kanya ang magaling niyang kapatid at ngumiti ng pilya. Tinaasan din siya nito ng kanan nitong kilay.
"Hindi naman si Mamay Lab iyong nagluluto ng masarap na hapunan natin, no."
"H-Ha? Sino?"
"Hindi lang sino... Kundi iyong boyfriend mo, si Kuya Venom."
Dahil sa sinabi nito ay curious siyang nagpunta sa kanilang kusina. Nadatnan niya doon si Venom na busy sa pagluluto at binabantayan itong maigi ng Mamay Lab niya.
"M-Mamay..?" alanganin niyang wika.
Halos sabay na napalingon sa kanya ang dalawa at muntik nang mahulog ni Venom ang hawak nitong sandok.
"Hello, sweetie!" bati ni Venom sa kanya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin siya sa kanyang Mamay Lab. Ngumiti ito ng matipid sa kanya at pagkatapos ay tumingin din kay Venom.
"Kayong dalawa, tandaan niyo na ang akyat-ligaw... Dito sa loob ng bahay ko, hindi sa tuktok ng bubong. Maliwanag?" untag ng kanyang Mamay Lab sa kanila.
Napatingin siya kay Venom at alanganing ngiti ang iginawad nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang.
"O-Opo, Mamay..." alanganin niyang sagot.
"Yes, Mamay!" si Venom.
Bumuwelta siya pabalik sa sala at tumabi kay Gida na busy sa panonood ng T.V. Kinuha niya ang throw-pillow at niyakap.
"Ate, maghahain na ba si Kuya Venom?" tanong ni Gida sa kanya.
"E-Ewan ko, hindi ko tinanong." sagot niya.
"Bakit?"
Hindi niya sinagot si Gida. Tumingin lang siya sa mukha nito. Tumirik ang mga mata nito sa ere at tumayo. Mabilis itong naglakad papunta sa kusina at narinig na niya ang maingay nitong boses.
"Kuya Venom, gutom na ako! Hindi ka pa ba nakaluto?!" maingay na tanong ng kanyang kapatid.
Hindi niya narinig na nagsalita ang binata. Bagkus ay ingay ng kalansing ng kung anong gamit sa kusina ang narinig niya. At boses ulit ng magaling niyang kapatid ang sunod niyang narinig.
"Mamay, pasado siya! Masarap 'tong luto niya! Puwedeng-puwede!"
Narinig niya ang maingay na halakhak ng kanyang Mamay Lab at ng kanyang kapatid. Panay ang silip niya sa gawing kusina. Hindi tumatatak sa utak niya ang napapanood niya sa T.V. Ilang minuto ang nakalipas at nakaramdam siya ng mga papalapit na yabag. Yumukod sa harap niya si Venom at hindi niya napigilan ang sarili na ngumiti ng makita niyang suot nito ang pink na apron ng kapatid niyang si Gida. Puno iyon ng strawberry na designs at ruffles sa paligid.
"Wow, ang ganda namang salubong niyan."
Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil nailang siya. Nakatitig kasi sa kanya si Venom at marahan na naman nitong inilalapit ang mukha sa kanya. Marahan nitong hinawakan ang kanyang mga kamay at tumayo na ito. Hinila siya nito patayo at nagpatianod lang siya. Nakatingala siya dito at nakatitig sila sa isa't-isa...
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 3: Venom Montecristo
RomanceBadtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya par...
