Chapter 7:
"Bitawan mo ako..."
"No. Sasamahan kita kung saan ka pupunta. Gusto kitang makasama."
Pasimple niyang hinila ang kanyang kamay pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. Napatingin siya sa mukha nito.
"Paiibigin kita at sisiguruhin kong mahuhulog ka sa aking mga kamay."
Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. Hindi siya papayag na magpatangay sa gusto nito. Hindi siya isang laruan.
"No."
Marami pa siyang gustung sabihin pero iyon lang ang lumabas sa bibig niya.
"Yes." kontra nito sa kanya.
"No." ulit niya.
"Yes."
"NO!"
"YES!"
"NOOO!..."
"YEEES!..."
Marahas siyang bumuntung-hininga. Siya ang sumuko sa kakulitan nito. Pagkatapos ay matapang siyang tumingin sa mga mata ng lalaki.
"Gawin mo ang gusto mo. Pero hindi mangyayari ang bagay na inaasahan mo. I won't fall on you." matapang niyang pahayag.
Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"Huwag kang magsalita ng tapos dahil hindi ako makakapayag na hindi kita mapaibig."
Hinila siya nito palapit at wala siyang magawa. Yumuko ito at halos ilapit ang labi sa kanya. Sa tenga niya inilapit ang labi nito.
"Marami na akong napasuko sa laban... At kaya rin kitang pasukuin sa piling ko. Pero please... Huwag mo naman akong pahirapan."
Pabulong ang pagkakasabi nito at damang-dama ng punong tenga niya ang mainit nitong hininga. Nananayo ang mga balahibo niya sa batok dahil doon. Napalunok siya, at hindi niya malaman ang gagawin... Ang lalaking ito lang ang may lakas ng loob na sabihin at gawin ang mga bagay na iyon. Tanging ito lang ang hindi nasisindak sa katapangan niya...
"T-Tigilan mo ako, pakiusap..."
Hindi maitatago sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi mo kailangang matakot. Hindi naman kita sasaktan."
"No..."
"I smell the fear in you... I can take that away. You know, after that kiss... I've change. I'm not the same, anymore. Hindi ako magmamalinis. Baliw ako at sanay akong hinahabol ng mga babae. Pero sa ngayon, ako ang maghahabol at gusto din naman kitang habulin... Huhulihin kita at ikukulong kita sa mga bisig ko. I just want you. Ikaw lang..."
Umiling siya. Ipinakita niya ang gesture na iyon para sabihin na hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito. Binitiwan nito ang kamay niya at napatingala siya dito. Nagtaka siya sa inakto nito.
"Hahayaan muna kitang mag-isip. Pero, aakyat ako ng ligaw sa'yo mamaya ah?" nakangiti nitong turan.
Iniabot nito ang kahon sa kanya na may lamang custard pie pero hindi niya iyon kinuha. Nagulat siya ng hawakan na naman nito ang kamay niya at ipinahawak ang kahon. Matapos noon ay binitiwan na nito ang kahon pero hindi ang kamay niya. Ilang segundo na ganoon. Sa wakas, binitawan na nito ang kamay niya pero ramdam pa rin niya ang init ng palad nito doon. Marahan itong umatras at ngumiti.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 3: Venom Montecristo
Любовные романыBadtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya par...