Two

29 2 0
                                    

I love you

Habang naglalakad papuntang parking lot tulala ako dahil sa nangyari. Gaaahd! What the hell is happening to me? Hindi lang naman ito ang unang beses na nagtalo kami ni Kuya Haidn nang dahil sa damit ah!? Pero bakit iba ang pakiramdam ko sa mga kilos at pananalita niya?

Am I just overthinking? Dahil alam namin pareho na hindi pwede. Hindi pwede kung anoman ang gusto niyang mangyari. Hindi pwede. Labag sa batas. Sa tao. Sa mata ng Dyos. Imoral. Kaya kung anoman itong nasa isip niya, sana tigilan na niya.

Oh baka naman.. ako lang ito? Ako lang itong masyadong nag-iisip.. na baka ganun nga? Pero ang totoo pala ay ganun lang talaga si Kuya dahil kapatid niya ako at gusto niya lang ako protektahan.

Palapit sa sasakyan ay hinintay niya akong makalapit at binuksan ang pintuan sa back seat. Naroon na sa driver's seat si Kuya Khaidn. Nakakunoot ang noo niya at seryosong seryoso.

Pumasok ako at umupo sa gilid. Nagulat ako ng sinarado niya ang pintuan at naglakad papuntang passenger's seat sa tabi ni Kuya Khaidn.

May naramdaman akong malaking guwang sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko gayong dapat ay okay sa'kin na nariyan siya sa harap nakaupo para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko sa sarili.

Pinaandar na ni Kuya Khaidn ang sasakyan at wala ni isang nagsalita sa amin. My gahd! Ang awkward talaga! Or is it just me? I dunno.

Wala pang naging girlfriend ang mga kuya ko. Dahil na rin siguro sa masyado silang busy sa pag-aaral noon at wala silang oras para maghanap ng pag-ibig. Ngayong mga professional na sila sa trabaho ay mas lalo silang nawalan ng oras para sa mga relasyon. Swerte na nga lang maabutan sila sa bahay ng may liwanag pa. Dahil talagang walang laman ang mansyon kundi ang mga katulong lamang.


Palapit na kami sa bukana ng subdivision ng mag vibrate ang aking phone.


Unknown number is calling...

Unknown number is calling...

Unknown number is calling...

Who could this be? I have no idea. Hindi naman ako nagpapamigay ng number sa kung sino.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?" Napatingin ang dalawa sakin sa rear mirror.

Walang sumasagot sa kabilang linya. Tanging tahimik na tunog lang.

"Hello? Who's this?"

Wala talagang sumasagot.

"You have dialled the wrong number." Sabay binaba ko ang tawag.

"Who called?" Tanong ni Kuya Khaidn habang nililiko ang sasakyan patungong street namin.

Nakatingin ako sa labas ng bintana at napansin ang isang SUV na nakapark ilang metro ang layo sa bahay namin. May isang lalaking kakapasok lang sa sasakyan. Ipinagkibit balikat ko yun.

"I don't know. Hindi sumasagot eh. May pinagbigyan ka ba ng number ko?"

"None. Why would I do that?"

"I don't know. Bahala siya."

Bumaba na ako ng nasa tapat na ng bahay. It's 5:30 in the afternoon. Gusto kong matulog. Bigla akong inantok. Nakakapagod kasing makipagtalo sa isa.

Dire-diretso ang lakad ko patungo sa bukana ng double doors ng tawagin ako ni Kuya Haidn.

"Sanja.." I stiffened. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

The Life of a Teenager; Sanja's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon