Six

20 3 0
                                    

A lot




Kinaumagahan ay nagising ako ng mas maaga. It's 9 AM at heto ako nakasuot ng racerback, leggings at rubber shoes. Tinali ko ang aking buhok ng isang ponytail.

Kinuha ko ang Fitbit at inisuot ang strap sa aking braso. I also put my airpods on and played the favorite playlist on my Spotify account.

I checked my self again at umalis na sa kwarto. Pababa ng hagdan ay wala pa akong naririnig na kumakain sa hapag. Maybe they're still sleeping. Nagkibit balikat ako.

Habang umuupo sa hapag ay nilagyan na ako agad ni Manang Sol ng gatas.

"Ang aga mo ata, 'Nak? Magja-jogging ka?" Tanong niya at nilalagyan ako ng fried rice sa pinggan.

"Opo Manang, kaunti lang po ilagay niyo sa'kin." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Hmmm ikaw talagang bata ka. Oh siya sige. Ikaw na kumuha ng ulam mo."

Kumuha ako ng bacon and egg. Kaunti lang nilagay ko dahil ayaw kong masyadong busog.

Nang matapos kumain ay nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay. Nagjog ako palabas sa street namin at naghanap ng pwestong pwedeng pagstretching-an. Nakarating ako sa medyo dulong part na street ng subdivision. I did the stretchings bago nag jog muli paikot sa ibang street.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko mula sa bulsa. I checked it just to see a message from my brother.

Kuya Khaidn:

Princess you're jogging? Aalis kami ni Haidn. We have a meeting today at 10 AM. Para ito sa upcoming Condo. Be a good girl.

Oh. Itatanong ko palang sana kung bakit himala at hindi sila umaalis ng bahay these past few days.

Me:

Okay, kuya. Got it.

Pabalik na ako sa street namin ay may naaninag akong isang kakaparada lang na itim na SUV. Parang kilala ko na kung sino.

Papalapit sa daan papuntang bahay namin ay lumabas siya ng sasakyan. Napahinto ako sa pagjog at tiningnan siyang mabuti. I slowly walk onto him. He looks fresh in her plain white shirt and a khaki shorts pairing with his usual topsider. May hawak hawak siyang bouquet sa kaliwang kamay.


Lumapit siya sa'kin at binigay ang mga bulaklak. Tinanggap ko ito and he smiled.

"Good morning.." he said habang inaamoy ko ang mga bulaklak.

"Morning.." nakangiti kong saad.

Ngunit nawala ang ngiting 'yon ng makita ko ang sasakyan ni Kuya Khaidn papalapit sa kung saan kami nakatayo. Tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na at nakitang 15 mins ay 10 AM na. Oo nga pala at may meeting sila! Our building is just 10 mins drive away!

Tumingin si Eustace sa sasakyan at tumayo ng tuwid. Narinig kong kumalabog ang pintuan ng kotse at lumabas si Kuya Khaidn.

Napataas ang kilay niya ng balingan ang bulaklak na hawak ko. Sunod niyang tiningnan ako at ang lalaking nasa tabi.

Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Eustace kay Kuya at naglahad ng kamay. "Eustace Johanson."

Tinanggap 'yon ni Kuya at nakipagkamay. "Khaidn. Sanja's elder brother." Nakataas ang kilay ni kuya at naghihintay ng reaksyon mula kay Eustace.

So Johanson pala ang apelyido niya. Bakit ang hot pakinggan? Damn!

Bumaling sa'kin si Kuya. Napataas ang kilay niya at nangungusap ang mga mata.

The Life of a Teenager; Sanja's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon