Jealous
Nakatulog ako ng mahimbing sa tanghali na 'yon at nagising sa isang tawag. Walang anu-ano'y sinagot ko ang tawag ng hindi chinecheck kung sino ito.
Kakagaling lang sa hikab ay sumagot ako, "Hello?" Kumukurap kurap pa ako.
I heard a chuckle from the other line. Napabalikwas tuloy ako sa kinahihigaan ko! I checked my phone to see who's calling and it horrified me that Eustace's name is on the screen!
I cleared my throat and tried to sound normal kahit na halata sa unang sagot ko na kakagising ko lang!
"Your bedroom voice is so sexy." He said it in a husky tone.
"U-uhm.." Wala akong masabi dahil nag-iinit ang pisngi ko tuwing binibigyan niya ako ng compliment.
"Did I wake you up?"
"No! I mean. No. I was about to wake up, too." Bumangon ako sa kama at nag simulang pumunta sa walk-in closet to find an outfit for later.
"Hmm.. I'm on my way. I'll be there in an hour. Were your brothers already home?"
Nag-isip ako. Mukhang wala pa sila. Their meetings usually ended up late dahil sunud-sunod 'yon. Ewan ko lang ngayon.
"Hmm. I'll check later when I go downstairs."
Nasa harap pa rin ng tukador ay hindi makapili ng susuotin ko! Napasapo ako sa noo ko dahil ang alam ko kagabi ay maghahanap ako ng mas maaga para hindi ako matatagalan. Hays!
"Okay. See you, then."
"Okay. Take care." I hung up the phone and started to find something to wear.
Natagalan ako sa pagpili ng damit kung kaya't binilisan ko na ang pagligo. But I made sure that I did all my usual routines.
I picked a black tube top and paired it with a faded maong skirt. I chose a black boots and bring an extra maong jacket with me. Baka lamigin ako sa suot ko. Mahirap na. At baka mamaya mapagalitan na naman ako dahil sa suot ko. Mas mahirap na.
I chose to iron my hair para maiba lang. Hinayaan kong nakabagsak ito. Pinili kong mag heavy eye shadows ngayon dahil gabi naman. Pale make-up won't work on me now. I put a red lipstick and I'm done. Sinigurado ko ring naligo ako sa pabango ngayon.
Kinuha ko ang mga dapat kong dalhin at lumabas na ng kwarto. Pababa na ako sa hagdan ng makita ko si Kuya Haidn na kalalabas lang din ng kanyang kwarto. Napatingin siya sa banda ko at nagulat.
Maaga ba natapos ang meeting? Bakit nandito na siya? Akala ko mamayang gabi pa! Damn! Kinakabahan tuloy ako.
I can't back down now. Ngunit sa paraan ng kanyang pagtitig ay mas lalo akong kinakabahan.
"Saan ka pupunta?" Nakakunot noong tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mabuti nalang ay suot ko ang jacket!
"Uhm. Kuya.. magpapaalam sana ako na may pupuntahan akong gig ngayon." Sabi ko at kinukurot kurot ang mga daliri sa kamay na nakalagay sa aking likod.
"Who's with you? Mari? Fynna? Who?" Tanong niya ng nakahalukipkip at diretso ang tingin sa'kin.
Umiling ako at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan. Sinundan niya ako at bumaba rin siya. Naghihintay ng sagot.
"Who, Sanja?"
Hindi pa rin ako nakakasagot ay narating na namin ang unang palapag. Dumiretso ako sa sala at naabutan kong napatayo si Eustace mula sa sofa.
My brother was in shock. Hindi niya yata inaasahang si Eustace ang tinutukoy kong kaibigan.
Nang makabawi sa pagkakagulat si Kuya ay malakas ang kanyang boses at pasugod na sa lalaking katabi ko! "Who the hell are you!?"
BINABASA MO ANG
The Life of a Teenager; Sanja's Diary
Teen Fiction17 year old teenager Sanja is absolutely living her life to the fullest. But what if one day, the world will turn upside down as well as her princess-like life? Would she still continue writing on her diary? Or will it remain as a memory?