Gift
Pabalik-balik akong naglalakad sa tapat ng aking bintana. I'm thinking who could that be. Wala talaga akong alam kung sino 'yong nagtetext at tumatawag. I really don't give my number easily! Even my social media accounts are private!
Nagva-vibrate ulit ang aking phone. Walang pasubaling kinuhai ko 'yon at sinagot ang tawag.
Nakakagat sa hintuturong daliri pagkatapos sagutin, "Hello..?"
Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "I'm.. outside. Can I see you?" Tumindig ang balahibo nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya.
Napakalamig at medyo husky.
"M-may I know who's this? Please.."
Matagal na katahimikan ang bumalot kaya nagsalita ulit ako.
"Hello?"
"Eustace." Sagot niya at bumuntong hininga.
Alas dyis na ng gabi at heto ako nasa labas ng mansyon hinahanap ang lalaking nagngangalang Eustace.
Mula sa malayo, naaninag ko ang SUVng itim at may lumabas na lalaki mula roon.
Isang matangkad at matipunong lalaki. He's wearing a moss green round neck plain shirt and maong pants with a pair of Timberland boots.
Fitted sa kanya ang tshirt kaya bakat na bakat ang kanyang muscles sa dibdib. His arms flexed when he closed the door.
Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan.
"Who.. are you?" Tanong ko dahil hindi ko naman talaga siya kilala at tanging pangalan lang ang alam ko sa kanya.
"Are you coming this Saturday?" Tanong niya habang nakapamulsa. Napatingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang kanyang titig sa aking dibdib pababa sa baywang. Napakunot ang kanyang noo.
Nag-isip ako. Saturday? Is this what Mari talking about? Gig nila Jonas?
"Uh.. yeah. Kaibigan ka ba nila Jonas?"
"Yeah. Well, see you, then?" Sagot niya ng nakatitig sa mga mata ko.
I'm uneasy. Naalala ko ang isa pang text niya! What was that for? Ayaw kong tanungin ngayon dahil na-a-awkward-an ako sa sitwasyon.
"Okay.." sabi ko at tumango.
Iminuwestra niya sa'kin ang mansion. Nilingon ko 'yon at nakitang may isang lalaking nag-aabang sa hagdan paakyat sa double doors. Nakahalukipkip at diretso ang tingin sa'kin. Sa amin.
"Bye, Sanja.." sabi niya at muli akong napalingon sa kanya.
"Bye.."
Naglakad na ako pabalik ng mansyon at naabutan ko si Kuya Haidn na salubong ang mga kilay at kunot na kunot ang noo. Nakahalukipkip siya at parang anytime ay sasabog na sa sobrang badtrip.
"Who's that?" Bungad niya pagkapasok ko sa loob ng gate.
"Just.. a friend, Kuya. What are you doing here?" Sagot ko at binalewala ang malalalim niyang titig.
Dumiretso ako papasok sa double doors at pumuntang kitchen. I need a fresh milk! Natutuyuan ako ng laway sa presensya niya ngayon.
"What am I doing there? I'm supposed to ask you that question, Sanj! What are you doing there! In the middle of the night! With a dress like that!" Sabi niya. Galit na galit talaga siya!
Ano ba ito!? Wala na ba ako nagawang tama para sa araw na ito at bakit parang mas lumala ang liit ng pinag-aawayan namin!
I ignored him and get the milk inside the fridge. Nagsalin ako sa isang baso. Inubos ko yun ng diretso bago siya hinarap.
"Kuya, ano bang problema mo? Kanina ka pa galit na galit sa'kin! Wala naman akong ginagawa sa'yo!" Sigaw ko sa kanya at lumakad paalis sa kitchen.
Naramdaman kong sumunod siya sa'kin dahil sa bigat ng mga yapak niya sa sahig.
"Ang problema ko ay iyang pagiging brat mo! Bakit ka lumalabas ng ganitong oras at nakaganyan ka pa! Didn't I told you to always wear a damn jacket!? At sino ang lalaking 'yon!? Bakit siya pumunta dito sa'tin! Ni hindi nga rin ata kilala ni Kuya Khaidn kung sino 'yon! Sanja naman!" Frustrated na frustrated siya at sobrang bilis ng hininga niya pagkatapos mag burst out.
Hindi ko siya inintindi at nagdire-diretso lang ako sa pag akyat sa palapag ng kwarto.
"Sanja kinakausap pa kita!" Sigaw niya habang hinahabol ako paakyat ng hagdan.
"I don't wanna talk to you." Sagot ko at binuksan na agad ang pinto ng kwarto.
Humiga ako sa kama at narinig siyang kumakatok sa pintuan.
"Open the god-damn door or I'll break this! I'm telling you!" Sigaw niya at sobrang lakas ng katok. Any minute by now ay maririnig na talaga kami nila Manang at Kuya Khaidn kung hindi pa niya itigil ito!
Naiinis na ako sa nangyayari at dali-daling binuksan ang pintuan at sumigaw sa harap niya.
"I don't fucking know what I have done to you, Kuya! Alam kong simula bata ay lagi na tayong magkaaway! Pero over petty things like these!? Hindi ko na alam! Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin!? Anong mali sa paglabas ko ng bahay para puntahan ang kaibigan!?"
Not that "kaibigan" ko talaga siya. Pero kasi, kapag nalaman niyang hindi ko rin talaga kilala 'yon ay mas lalo lang siyang magagalit.
"With a dress like that, Sanja!? Really?" Mahina at halos padiin niyang sinabi.
"Tss.. I'm gonna sleep. Give me a break, Kuya."
Why do we always fight because of what I wear, Kuya? Haaaay.
Sinarado ko na ang pinto bago pa siya may ibang masabi.
Nilingon ko ang mga regalong hindi pa rin nabubuksan. Nilapitan ko ang mga ito. I'm gonna open these!
Inuna kong buksan ang regalo ni Mari. Isang designer bag na mukhang latest at isang relo from Gucci. Sunod naman ay kay Krizza, one set of gym attire from Adidas. While Fynna's gift is a two pair of shoes from Ozweego. Isang old rose at isang black and white pair. Nakita ko rin ang mga gifts nila Jonas, Dan, Eros at Raf. Tshirts, shoes, watch at isang book novel from the famous Author of Wattpad.
Maraming gifts pa ang nabuksan ko at halos lahat ay nagustuhan ko. May iilan pang hindi ko nabubuksan.
I get the shiny pink gift box and opened it. It's a gift from Kuya Haidn. Nakita ko ang isang key fob ng Ferrari.
Nagulat ako dahil ito ang dream car ko! I always say to my parents na sa 18th birthday ko, ito ang iregalo nila sa'kin! But Kuya Haidn gave it earlier! Damn! At nagtali pa kami kanina! What the hell?
Gulantang pa rin sa nakita ay nagpatuloy ako sa pagbukas ng regalo. This time, it's a gift from Kuya Khaidn. Limang paper bags mula sa isang kilalang make-up brand! Whoa! I'll definitely love these!
Ang gift nila mom and dad ay isang vacation tickets good for 20 persons sa Palawan. I'll invite my friends!
At ang huli, ay 'yong itim na box na may kulay puting ribbon. Dahan dahan kong kinalas ang pagkakaribbon at unti-unting binuksan ang laman.
Isang notebook o diary. Pinaghalong fuchsia pink at black ang kulay. Nakaukit ang aking pangalan sa gitnang bahagi sa itaas. May password set ang notebook at ang ballpen ay nasa loob. Makapal ang notebook at may glitters ang pahina.
Nagset ako ng password sa notebook at bumukas ito. Manghang-mangha ako sa ganda ng loob ng notebook. Ang ganda rin ng ballpen sa loob. Hula ko'y isa itong mechanical pen na mamahalin din.
Inisa-isa ko ang mga pahina na iba't-iba ang kulay at nakita ko ang isang note sa pinakadulong page.
Happy birthday, baby.. hope you'll like my gift
Tiningnan ko ang box para sana makita kung kanino galing. Ngunit walang nakalagay.
Parang narinig ko na ang mga katagang iyon. Sa party. Malamig at husky ang boses nung taong nagsabi non. Hindi ko alam pero bakit siya agad ang una kong naisip?
Is he the one who gave me this?
BINABASA MO ANG
The Life of a Teenager; Sanja's Diary
Teen Fiction17 year old teenager Sanja is absolutely living her life to the fullest. But what if one day, the world will turn upside down as well as her princess-like life? Would she still continue writing on her diary? Or will it remain as a memory?