Stop
Hindi ko alam kung paano namin natapos ang movie gayong naulit ng naulit ang aming mga halikan. Tulala ako sa loob ng sasakyan. Nandito na ako sa tapat ng bahay namin, nakapark.
Napahawak ako sa mga labi ko. That's my first kiss! At sabi pa niya "It will be your only"! Bakit? Ano ang ibig sabihin non? Habang nasa byahe pauwi rito ay sinusundan ako ng kanyang sasakyan. Nang makitang papasok na ako ng subdivision ay bumusina siya ng dalawang beses at nakatanggap ako ng mensahe sa kanya.
Him:
I got addicted to your kisses.
Damn! Kaya heto at nakahawak ako sa mga labi ko. Tulala. Jusko! Papaanong naadik siya sa mga halik ko, eh baguhan ako!? Ni hindi nga ako gumalaw habang hinahalikan niya! Jusko talaga! Nakakabaliw! Nabalik ako sa ulirat nang magtext ulit siya.
Him:
Are you home?
Nagreply ako.
Me:
Yup. Thank you.
Him:
Good. How are you feeling?
I'm feeling crazy! I need to get a hold of my shits before I fucked up! Hindi pwedeng ganito agad. I mean.. kakasabi ko palang kila kuya na I won't get a boyfriend not until I'm 18! Well, it's not that hawak nila ang desisyon ko. Pero kasi, kilala n'yo naman ang mga 'yon. Lalo na ang isa. Daig pa ang panganay. Siya pa ang laging galit na galit.
Bumusina ako ng dalawang beses at binuksan ng mga guwardiya ang gate. Ipinarada ko ulit ito sa likod. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad papuntang double doors. Naabutan ko si Kuya Khaidn sa hagdanan ng double doors. Mukhang kakatapos lang sa isang tawag. Nakita niya ako at lumapit siya sa'kin.
"You're early, Princess. Kumain kana ba?" Tanong niya at hinalikan ako sa gilid ng ulo ng makalapit ako sa kanya.
"Yes kuya. I'll just take some rest. Can I?"
"You better should. Nalaman nila mom and dad na niregaluhan ka ni Haidn ng sasakyan." Malalim ang tingin sa'kin ni Kuya Khaidn.
Nagulat ako sa sinabi niya. Am I going to be scolded for what Kuya Haidn did? Or.. siya ang napagalitan? Ewan ko.
"Am I going to be scolded, Kuya?"
"No. But Haidn is. I think. Kinakausap na nila ngayon si Haidn. He shouldn't given you a gift like that. Now, you go to your room dahil any minute by now, ikaw naman ang kakausapin." Tumango ako kay kuya at hinalikan niya ako sa ulo.
Umakyat ako sa kwarto at humiga agad sa kama. Ano ba kasi ang pumasok sa utak niya at niregaluhan niya ako ng ganon? Argh!
Naramdaman kong nagba-vibrate ang phone. Mom is calling!
Huminga ako ng malalim at sinagot ang video call.
"Ma.." bungad ko.
Naka night dress si mommy. Halatang kakagising lang nila dahil nasa hapag siya at nagkakape.
"Martin gave you a.. Ferrari? Am I right?" Napatikhim si mommy sa sariling tanong.
"Yes, mommy."
"I told him he should not buy you that dahil kami ang magbibigay non sa'yo sa 18th birthday mo. Ang tigas ng ulo!"
Napabuntong hininga ako. "Ma, I swear. Hindi ko rin alam paano nalaman ni Kuya Haidn ang tungkol sa Ferrari. Kaya nagulat ako ng 'yon nga ang regalo niya sa'kin."
BINABASA MO ANG
The Life of a Teenager; Sanja's Diary
Teen Fiction17 year old teenager Sanja is absolutely living her life to the fullest. But what if one day, the world will turn upside down as well as her princess-like life? Would she still continue writing on her diary? Or will it remain as a memory?