Four

24 4 0
                                    

Only




Madaling araw ng makatulog ako. Pagulong gulong lang ako sa kama sa kaiisip tungkol sa nangyari sa aking party, sa strange na ikinikilos ni Kuya Haidn, sa biglaang pagpapakilala ni Eustace sa'kin, sa mga regalo, sa texts at tawag.

At isa pa, ano ang pumasok sa kokote ni Kuya Haidn at bakit binilhan niya ako ng kotse? Worst, Ferrari pa! I mean, not that I didn't like it pero kasi.. bakit? I mean.. argh! Hindi ko alam! Besides, sila mommy at daddy lang naman ang nakakaalam na gusto ko nga ng isang Ferrari.

Nag-away pa kami kahapon. Kaya ngayon ay nahihiya akong magpakita sa kanya dahil sa nangyari. Appreciated ko ang regalo niya sa'kin pero kasi.. hindi ko maintindihan minsan ang mga kilos niya.

Isa pa, si Eustace. Sino ba talaga siya at paano niya ako nakilala? I mean.. malaki ang circle of friends ko. Maybe dahil na rin sa connections nila Mari sa banda nila Jonas, posibilidad na don ako nakilala ni Eustace. Pero.. paano? Paanong nakuha niya ang numero ko gayong hindi ko naman ito pinamimigay sa iba ng basta.

Nabalik ako sa ulirat ng may narinig ako katok.

"Baby.. are you awake?" Not again. Ayoko munang makausap ka kuya, please lang h'wag ka munang pumasok.

Hindi na niya ako hinintay magsalita kaya nagmadali akong nagtalukbong ng comforter.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama.

"Baby, I know you're awake." Kinabahan ako sa sinabi niya pero nagpatuloy lang ako sa pagpapanggap. Sng bilis ng kalabog ng puso ko.

"I'm really sorry for what happened last night. Ayaw ko lang talagang lumalabas ka ng ganon ang suot. You know you're beautiful and all, I hope that you get what I meant. Gusto lang kitang protektahan. I'm really sorry."

I know kuya. I get what you meant. Pero sana lang ay hindi mo ako sinisigawan dahil pakiramdam ko ang laki lagi ng galit mo sa'kin. But I won't tell you that. Iintindihin ko, kuya.

Unti-unti siyang tumayo at narinig kong sumarado na ang pintuan. Nang nakalabas na siya ay saka ko tinanggal ng pagkabilis bilis ang pagkakatalukbong ko sa comforter! Pakiramdam ko ay hindi ako huminga ng mga sampung taon dahil naubusan ako ng oxygen!



I checked my phone to see what time is it. 11 AM. There's a new message from the same unknown number. Si Eustace. Kakasend lang ng mensahe.

Him:

Can we go out this afternoon?

What for? I dunno.

I replied.

Me:

Why?

Pagkasend ko ng message ay tinapon ko ang phone sa kama at naglakad papuntang walk-in closet. I'm gonna take a bath.

I picked a dress for today. Isang mid length bohemian dress na halter. I'll pair it with a strappy sandals later.

Napaisip ako kung bakit ako pumili ng isang dress gayong kakain lang naman ako ng tanghalian sa baba? Iniisip ko bang sasama ako kay Eustace ngayong hapon?

Pinilig ko ang ulo ko sa pag-iisip non.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo.

Inabala ko ang sarili sa pag gawa ng bubbles galing sa aking shampoo. Tiningnan ko ang mga body wash at shampo ko. Gusto kong bumili ng mga bago. I might go to the grocery later. Hmm.

Nang matapos maligo, kinuha ko ang bathrobe at tuwalya to dry my hair. Umupo ako sa tapat ng dresser at inabala ang sarili sa pag blowdry ng buhok.

The Life of a Teenager; Sanja's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon