Kabanata 1

32 1 0
                                    


Eyes

"Ingatan mo ang mga gamit mo, Helena. Maraming tao doon. Iingatan mo rin ang sarili mo, apo."

Inimpake ni Lola ang mga gamit ko sa isang malaking bag. Naka-indian seat ako sa harap niya.

"Pero, Lola... Kailangan ko ba talagang pumunta? Wala naman po akong kaibigan doon. Wala namang lalapit sa'kin. Hindi po ba pwedeng dito na lang ako sa bahay at tutulong sa gawain?"

Nagbuntong-hininga si Lola.

"Bakit mo naman iniisip, hija, na walang lalapit sayo?"

I pursed my lips.

"Kasi ganoon naman po palagi. Ang sabi nila, malas daw ako."

Lumapit ang lola sa akin. She cupped my face as I wrinkled my nose.

"Papaanong malas, e ang ganda-ganda nga ng apo ko? Ang mukhang anghel na ito, malas ba kamo?"

Lola laughed at me teasingly.

Lola is an old woman in her 60's. She is a cheerful and resilient woman. The wrinkles of her face that show everytime she smiles makes her more beautiful.

Naiisip ko minsan, kung tatanda ba ako katulad ng Lola? Kasingganda ko ba siya?

Nagbuntong-hininga si Lola. She looked at me with her concerned eyes.

Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi maganda ang pagbubuntong-hininga. Nagtataboy daw yun ng swerte at isang symbol ng hindi pagiging mapagpasalamat sa mga biyaya. Pero siya naman ang nagbubuntong-hininga ngayon...

"Tandaan mo, Helena."

Hawak ni Lola ang magkabilang balikat ko. Naging seryoso bigla ang usapan.

"Na ang lahat ng nangyari sa'yo at mangyayari pa lang ay laging may dahilan. Maaaring magulo pa ang mga bagay at hindi mo naiintindihan sa ngayon pero balang-araw, maiintindihan mo kung bakit ganito ang buhay na ibinigay sa iyo. Tatandaan mo 'yan, apo. "

My wide eyes stilled at her. She's sorting the proper words to tell me. Sigurong ang mga salitang magbibigay ng malaking epekto at dadalhin ko sa buong buhay ko.

"Ilang taon ka na ulit, hija?"

"Siyam, Lola."

She smiled genuinely at me and nodded.

"Masyado ka pang bata at siguro'y wala ka pang naiintindihan. Helena, hindi magiging madali ang buhay mo. Mabubuhay kang puro sakit at paghihirap ang pagdaraanan."

Sa mumurahin kong gulang ay tila walang laman ang mga salitang lumabas sa labi ng Lola. Hindi ko man lang inakalang iyon na pala ang panghahawakan ko sa susunod pang mga taon...

"Apo, gusto kong maintindihan mong mahirap sa aking aminin ang lahat ng ito. Lalo pa't ako nalang ang natitira mong pamilya. Nakakalungkot isiping mag-isa ka nalang lalaban pagdating ng araw. Kaya, gusto kong ipangako mo, Helena. Magpapakatatag ka!"

Sa mga panahong yaon ay magulo ang bata kong isipan sa pagsambulat ng hindi pangkaraniwang emosyon mula sa Lola.

Namatay ang magulang kong hindi ko man lang nararanasan ang kanilang pamamaalam. Ngayong namamaalam naman ang mahal ko sa buhay, huli ko pang nalaman.

Sa araw ding yaon ay nagpatuloy ang camping na pupuntahan ko. Hinatid ako ni Lola sa sasakyan naming jeep papunta sa paaralan kung saan ito gaganapin.

Pinanood kong kumaway si Lola habang umandar ang sasakyan hanggang sa papalayo na nang papalayo at hindi ko na siya nakita.

Tahimik ako sa buong byahe. Ang mga katulad kong nasa ikalimang baitang na babae ay nakikihalubilo sa kanilang mga katabi, excited na sa camping. Samantalang ako ay walang kibo...

Caught Up In Lucifer's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon