CHAPTER 14

1.4K 45 1
                                        

Kinabukasan ay nagkaroon ng kaunting handaan sa bahay ng mga Sebastian bilang pag celebrate sa kaarawan ng mom ni Uno. Ginagawa nila ito kada taon. Dadating rin ang nakababatang kapatid ni Uno mula sa Spain na si Dos.

Sabi ko na nga ba't Dos rin ang pangalan ng kapatid niya eh. Sa totoo lang, ano bang nakain ng mga magulang nila at numbers ang pinangalan sa mga anak nila? Pero bagay naman, siguro?

As always, nasa trabaho na naman ang amo kong masungit. Uuwi raw ito mamaya kasabay ng kapatid niya kasi siya raw ang susundo nito sa airport.

Kinuha ko yung mop at timba na may laman ng tubig tsaka umakyat sa kuwarto ni Uno. Binalik niya na ako sa paglilinis ng kuwarto niya. Bati na kami pero sabi niya na huwag na huwag daw akong magkamaling mangialam sa mga gamit niya doon. Tss, as if naman mangingialam ako. Like duh, ayoko ng mapagalitan ulit. In good terms pa naman kami ngayon.

Matapos kong linisin ang silid niya ay bumaba na ako. Isinauli ko yung mga bagay na ginamit ko at pumunta sa kusina para tumulong.

"Naku, sa lahat pa ba namang makalimutang bilhin eh yung paminta pa talaga. Jessica iha, pwede bang bumili ka muna ng paminta?" Hinarap ko si Ate Tes na sobrang busy sa paghahanda ng mga sangkap niya para sa lulutuing putahe.

Tumango nalang ako bilang sagot tsaka kinuha yung perang pambili ng paminta. Tapos na rin naman yung trabaho ko kaya pupunta muna akong palengke. Nagbihis ako sandali tsaka pumanhik na. Dinala ko si Black para naman makapagpasyal din to.

Naglakad kaming dalawa papuntang palengke. Wala namang problema kasi malapit lang ito sa subdivision. Nang makarating na kami ay binili ko na agad ang dapat bilhin at nilisan na ang lugar.

Sa gitna ng paglalakad pauwi, ay biglang huminto si Black. "Anong problema baby ko?" Malambing kong tanong sa kaniya. Winasiwas lang niya ang kaniyang buntot at tumakbo patungo sa isang store na puno ng mga gamit para sa pets.

"Teka lang," habol ko dito dahil mabilis itong tumatakbo. Hindi ito nagpatinag at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumigil lang ito nang nasa tapat na siya ng glass door ng tindahan. Winasiwas na naman niya ang kaniyang buntot at umupo dito na para bang eksayted itong pumasok sa loob. Natawa nalang ako dahil sa kakyutan niya.

Tinulak ko yung glass door ay tuluyan nang pumasok. Namangha ako sa buong paligid. Ang daming klase-klaseng gamit dito. May iba pang sobrang cute. Lumapit ako doon sa dog section. May mga collars at dog tags na nakasabit dito.

"Gusto mo bang bilhan kita niyan?" Kausap ko kay Black na palakad-lakad sa daan. Tumahol naman ito kaya nginitian ko siya. Meron akong nakita sa maganda ang disenyo na collar. Mukhang babagay ito kay Black. Bukod kasi sa cute nito na design ay parang kumportable rin itong isuot.

Humakbang ako palapit dito at kukunin na sana nang may kamay na naunang kumuha dito. Nilingon ko yung may-ari ng kamay. Isa itong may katangkaran na lalaki na may karga-kargang puting poodle.

"Uhm, excuse me akin po yan." Magalang kong wika sa kaniya. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"I got it first so it's mine." Sagot naman niya sa akin. Aba walanjo to. Eh ako naman yung unang nakakita ng collar, inagaw niya lang.

"Ako yung unang nakakita kaya akin yan." Hindi ako magpapatalo noh. Nag-iisa na nga lang ang design na 'yan tapos aagawin pa niya.

"So? Nakita mo lang, nakuha ko naman." Pinaningkitan niya pa ako ng mata. Takte! Maldito rin to ah, kala mo kung sinong gwapo. Well, gwapo naman talaga siya, pero kahit na! Tatalikuran na sana niya ako nang pigilan ko siya gamit ang paghawak ko sa braso niya. Winaksi niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at hinarap ako.

"Kapal mo naman, hindi mo ba alam ang salitang ladies first?"

Dinaklot ko mula sa kamay niya ang collar. Nagulat ito dahil sa bigla kong ginawa. "I don't give a shit with those things, give me that." Sumbat niya at pilit na kinuha yung collar. Syempre mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ng collar at hinila rin to pabalik.

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon