CHAPTER 20 : RANZ'S HEART

130 8 3
                                    

-----
Ok ,bago pa kayo maimbyerna nang tuluyan kay Ranz, narealize ko, dapat ilabas ko na yung side niya 😂
-----
RANZ' POV

"Love, see you later" Regina says, dumating na kasi ang sundo niya.

"O sige, ingat ka mahal... Manong, ingat sa pagmamaneho hah... Sakay mo yung pakakasalan ko" sabi ko kay Manong Driver.

"Sige na love, text mo ko if gusto mong sunduin kita"

Tumango lang siya and closed the door.

I cant believe na unting unti na lang, ikakasal na kami. Makakasama ko na habambuhay ang babaeng pangarap ko.

Papasok ako ng bahay nang makita ko ang supply ng newspaper namin sa mail box namin.

As usual, headline na naman ang mahal ko.

REGINE AT PIOLO, NAHULING LUMABAS SA ISANG MOTEL

Shit! Ano na naman to? Bakit hindi to nabanggit ni Regina sakin? Ilang beses ko ba siyang pagsasabihan na ayokong ayoko na makakarinig ng issue about them.

Fully aware sya na sa lahat, yang Piolo na yan ang pinagseselosan ko.

Nahuling naghahalikan, nahuling naglalambingan, Umamin na kung wala silang partners in life ay baka sila na ngayon. Sinong hindi magseselos sa mga ganyang issue sa kanila?

Ilang beses , pinaalalahanan ko siya, na unahan na niya mga pwedeng issue sa kanila para hindi na ko mag iisip.

Bakit ba Regine napakahirap sayong gawin yon? Baka nga may inililihim ka sakin.

Sa sobrang pagkadismaya ko, nakarami ako ng inom. Ilang beses ko naitapon ang cellphone ko kada magtetext sya na parang hindi niya alam ang issue.

Hanggang sa dumating na siya. And I saw everything.

Inihatid siya ni Piolo at hinalikan niya sa pisngi si Piolo pagbaba niya.

Nagdilim talaga ang paningin ko sa mga panahon na yon.

Kaya naman, nung umuwi siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Hindi ko siya gustong saktan, pero patawad, napuno na ko. Kinain na ko ng selos.

Patawad, hindi ko siya gustong paiyakin, pero nagdurugo na yung puso ko.

Patawad, hindi ko gustong nagmamakaawa ka ng ganyan para sa pagpapatawad ko, pero nararamdaman kong pasabog na talaga ang damdamin ko.

Regina, patawad.. Sobrang patawad..

I left her crying in my room, hindi ko kayang makita siya. Mahal ko siya, pero hindi ko alam bakit nasasaktan ako ng sobra.

Bakit kailangan maglihim siya? Umakto pa na para bang walang issue?

And then I saw Kyle sa labas ng kwarto. Kaya alam kong hindi nya pababayaan si Regina.

Buong gabi, sa guest room ako nagstay.

Naririnig ko sina Daddy at Kyle, parang galing sila sa baba at iniaakyat nila si Regina.

Aware akong lasing si Regina. Mabuti na lang , nandyan si Kyle at ang Daddy.

Habang mag isa ako sa kwarto, isip ako ng isip. Nakokonsensya ako sa nagawa ko kay Regina.

Anong demonyo ang pumasok sakin para gawin ang mga bagay na yun sa kanya?

Halos pandirian ko siya, hindi naman niya deserve.

Tinrato ko siya na parang maruming babae, gayong alam ko sa sarili ko na hindi siya ganon.

Napakawalang kwenta kong tao.

Nakahiga ako at isip ng isip pano ako babawi sa kanya, pano ako hihingi ng patawad, how can I make it up to her.

Patay ang ilaw, patay ang aircon. Walang bakas na may tao sa guest room when someone entered the room..

"Jeffrey, hindi ko na kaya. Tol, baka pwede this weekend dyan na ko manirahan sa australia"

It was Kyle, talking to our cousin, Jeffrey na nakabase sa Australia.

Anong meron? Bakit gusto naman nito biglang umalis ng bansa?

Nakaloud speaker sya, sound proof kasi ang kwarto, hindi nya rin ata alam na nandito ako.

"Pre, talaga bang hindi mo na kaya?" Jeffrey says in other line.

"Habang tumatagal pare, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko, alam mo yan pare, bata pa lang tayo, mahal ko na si Regina, and anytime soon lalo ngayon na inayawan na sya ng utol ko, kunin ko si Regina"

"Naiintindihan ko bro, sige bro. Sabihan ko si mommy na dito ka na rin babase. Hanga ako bro sa pagmamahal mo sa kuya mo, lahat na lang binigay mo sa knya"

"Mahal ko utol ko kaysa buhay ko. Kaya lahat ibibigay ko sa kanya"

And the reality strikes to me. Nasagot na ang mga Whys ko.

Bakit niya kaya inililihim sakin na siya ang unang nakakilala kay Regina?

Isang araw kasi, when I am just 18 years old, nag aayos ng kwarto namin, I saw his grade school Diary, and there I found Regina's picture. Mga stolen shots.

Gayong kapag tinatanong ko siya kung familiar sya kay Regina Ansong nung bata pa kami, lagi niyang sinasabi, hindi niya daw kilala.

And nahuli ko rin siya one time, kinakausap niya ang daddy about Regina, sinasabi niya ang address ng ampunan kung saan andun si Regina. Kaya pala, nung mahanap namin si Regina, hindi siya nagulat na nandun si Daddy.

Kasi matagal na niyang kinukumbinsi ang daddy na ampunin ito, nauna pa sakin.

Nung bahagi na si Regina ng Mendoza, at umamin ako sa kanya na kapag ako nakatapos na ng pag aaral at naging stable na ang buhay ko, liligawan ko na si Regina, bigla na lang siya nagdecide na sasama na rin siya sakin sa states para mag aral.

And the reason is, ayaw nyang mapalapit ng husto kay Regina.

And mula nung naging kami na ni Regina, biglang lumayo ang loob niya.

Lahat nasagot na. Lahat ay dahil sa pagmamahal ng kapatid ko sakin.

Halos lahat ng spotlight binigay sakin ng kapatid ko. I know Kyle more than anyone.

Alam ko ngang mas matalino at mas madiskarte sakin si Kyle eh, pero dahil gusto niya na sakin magfocus ang parents ko, nag gigive way siya.

Confident naman daw kasi siya na bunso siya kaya kahit maging mahina siya sa school, mamahalin siya ni Daddy at Mommy.

Inooffer din sa kanya na maging CEO ng company namin, pero he says No, kasi mas deserve ko daw ang posisyon.

Confident naman daw kasi siya na bubuhayin ko pa rin siya kahit anong mangyari.

Lahat ibinigay sakin ng kapatid ko. Lahat isinakripisyo niya.

Ipagkakait ko pa ba yung alam kong pangarap niya?

Mahal na mahal ko si Regina, pero ngayon ko lang maipapakita kung gaano kita kamahal Kyle.

Patawarin mo ko kung lahat ng gusto mo, lahat ng pangarap mo, inaagaw ko.

ONE HEART THAT BEATS FOR TWOWhere stories live. Discover now