(02)

15 2 0
                                    



Chapter 2

Annica's POV

Nakakahiya talaga! Nakakahiya! Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halong inis, hiya at galit yung nararamdaman ko. Naiinis at the same time nagagalit ako dun sa lalakeng nagngangalang fancis, frans or whatever yung name nya, hiya naman sa ginawa nya. Baka akalain ng mga tao dun na totoong magjowa talaga kami. Yucks lang.

Habang naglalakad ako paalis sa lugar nayon may nakita akong mangilan-ngilang taong ngumingisi. Akala mo namang nakita nila yung paborito nilang love team dahil sa mga ngisi na nakadikit sa kanilang mukha. Naiirita ako sa mga pagmumukha nila like duh, haler? Ang pangit non para maging kalove team ko. Yucks lang.

Di na ako nahirapang hanapin kung saan naghihintay sina Kath saakin dahil sa labas palang ng entrance nitong bookstore nakita kona sila.

"Nice show Annica. May jowa ka na pala? Ba't di mo sinabi?"

"Shut up Kath!"

"Ano nga yung sinabi? Umuwi ka na babe, di nako galit? Haha" talaga naman oh! Gumagatong pa si Clara

"Wag nga kayong mang asar kay Annica. Baka mabugbog kayo dito ng walang oras." Pagtatanggol sakin ni Hailey.

Hays, Buti naman tumahimik na sila. O baka naman akala ko lang yun.

"Pero ang gwapo nung lalake Annie ah, kahit may pimple sa mukha makikita mo parin yung kagwapuhan." Sabi ni Hailey.

Akala ko ba pinagtatanggol ako nito? Bakit parang nandun sya sa side nila Kath at Clara?

Sinamaan ko sila ng tingin para tumahimik.

"May bibilhin pa tayong mga gamit sa department store diba? Tara na!" Pag iiba ni Hailey ng usapan.

Pupunta na sana kami sa department store ng makasalubong namin si Allen, yung kaibigan naming bakla. Scout to eh, nangrerequite ng mga babae at lalake para maging model. Nagpapart-time model kami sa kanya kapag summer or sembreak.

"Oh, hola mis amigas!" Bati nya samin

"Ha? Ano daw? Amigas? Diba, langgam yun?" Bulong ni Clara. Yung lola nya kasi may halong dabawenyo kaya tinuruan silang mag bisaya.

"Sira! Hello my friends yung meaning ng sinabi nya." Sabi ni Kath sa kanya

"Hello rin! How are you?" Bati ni Hailey sa kanya

"I'm okay pa naman. How 'bout you? May vacant time ba kayo or your plates are full?"

"Ay, kita mo naman sigurong wala kaming dalang pinggan diba? kaya pano mo nasabing puno yung pinggan namin?"

"Ay, badtrip si Annica. Namimilosopo e."

"Wag mo na yang pansinin Allen. May gwapo kasing nangtrip sa kanya kanina—"

"Kath! Shut the fuck up!"

Pero parang walang narinig si Kath kaya nagpatuloy "Tapos inangkin nung lalake na maggirlfriend-boyfriend sila kaya nagalit. Di ko nga alam sa kanya kung bakit sya nagagalit na ang sobrang gwapo nung umangkin na magjowa sila. Masyadong mapili si Annie e, yung grasya na ang lumalapit inaayawan nya pa."

Di talaga titigil tong isa to ha "Tumakbo kana Kath habang may oras kapa dahil talagang masasabunutan kita!" Sabi ko sabay takbo palapit sa kanya kaya tumakbo sya palayo, hinabol ko sya syempre.



Clara POV

"Para talagang silang mga bata. Tsk. Di nahihiyang tumakbo sa mall." Sabi ko

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon