(10)

2 1 0
                                    



Chapter 10

Annica's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa garden, naghihintay na magsimula ang klase. Bukod kasi sa nakaka-relax na tanawin ng mga bulaklak at halaman, itong tambayan lang rin ang alam naming lugar. Tsaka malapit lang rin ito sa building.

Nang marinig namin tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang unang klase, kinuha na namin ang mga gamit tsaka naglakad na papuntang room.

Di pa kami nakakarating sa classroom pero rinig na namin ang sigaw ng kung sino man galing sa loob.

"Move! Move! Move!"

Ang ingay nya ah! Tsaka di pamilyar ang boses nya.

Pagrating namin sa may pintuan, naka-upo na lahat ng mga kaklase namin habang may isang magandang babae naman ang naka-upo sa teachers table habang naka-tingin sa'min.

"What are you waiting for? Gusto nyo bang buhatin ko pa kayo papunta sa mga upuan nyo? And by the way, you're 30 seconds late." She said, like its the most important thing in the world.

Naka-yuko kaming naglakad papunta sa mga upuan namin. Grabe naman 'to! Pati 30 second di pa papalagpasin?

"Move faster!"

Nagulat kami sa sigaw nya kaya halos patakbo na kaming naglakad papunta sa upuan.

Dinukdok nya ang lamesa kaya napatingin kami sa kanya. Inayos pa muna nya ang kanyang buhok bago nagsalita. "Good morning everyone, I am your Adviser as well as your English teacher. And my name is Cloudia Gonzaga."

Dahil sa pagpapa-kilala nya, nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaklase namin. Sumenyas si ma'am na tumahimik gamit ang mga kamay nya pero mukhang di nila nakita. Ngumingiti pa sya habang sumesenyas.

Ang dami ko ring opinyong gustong sabihin kina Kath tungkol kay ma'am Gonzaga pero minabuti ko nalang na manahimik. Gayundin sina Kath. Nahihimigan rin siguro nila na hindi basta-basta ang adviser namin ngayon.

Dinukdok nya ulit ang lamesa, pero mas malakas na ngayon kaysa kanina, sabay sigaw ng "SILENCE!"

Nagulat ulit kami sa sigaw nya. Maraming tumahimik pero may mga nagsasalita parin.

"You!" Sigaw ni ma'am habang naka-turo kay Louisse.

Tumingin si Louisse kay ma'am tsaka tinaasan ng kilay "what?" She ask

Malumanay na nagsalita si ma'am "If you keep talking to your seat mate better get out of my room."

Umirap lang si Louisse saka nagpatuloy na makipag-usap sa katabi.

"If you don't want me to drag your ass out here, you get out intentionally! For your information, I don't tolerate attitude student in my class!" Ma'am shouted with poise.

How can she do that? Pag ako ang sumigaw, nawawala ang poise na meron ako.

Nanggagalaiting napatingin si Louisse sa kanya "Who are you to say that?!"

"Do I need to repeat? Well, I'm Miss Cloudia Gonzaga, your Adviser and English teacher."

"Your just a teacher. You don't have the right to call me attitude, bitch."

Napakawalang modo naman nitong si Louisse.

"What did you just call me?"

"Bitch." Sabi ni Louisse na parang wala lang 'yon.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon