(24)

2 0 0
                                    



Chapter 24

Clara's POV

Napabalingkawas ako ng bangon ng marinig ang maingay na sirena ng fire truck. Nag-uunahan pa nga kaming lumabas ng tent nina Annie dahil akala namin ay may sunog. Sumasakit pa ang ulo ko sa biglaang pagtayo galing sa higa, kulang na kulang ang anim na oras ng tulog para sa'kin. Kaya halos mawalan ako ng lakas ng malamanh tunog lang pala 'yon galing sa mega phone na kasalukuyang hawak-hawak ni ma'am G.

Maraming kasamahan naming estudyante ang nainis at nagreklamo. Ang iba naman ay kamot-ulong bumalik sa loob ng kanilang tent. Mukhang naalarma rin ang iba sa tunog ng mega phone. Pero may mga tao pa ring hanggang ngayon ay tulog pa. Kagaya nalang ni Steph na isang tulog mantika. Kahit ata lumindol, bumagyo at bumaha ay hindi mo 'yan magigising puwera nalang kung papatayan mo ng electric fan at aircon. Tulog is life daw kasi ang motto nya sa buhay.

Bumalik ulit kami sa loob ng tent at nahiga, ngunit 'di na namin nagawang matulog ulit dahil makalipas ang ilang minuto ay narinig namin ang anunsyo na magsisimula na rawng magjogging.

Ginising na namin si Steph bago lumabas ulit lumabas upang makapag-ensayo.

Habang nagja-jogging kami ay pansin ko ang nakabusangot na mukha ni Kath. Pansin ko rin ang pagpungay ng kanya mga mata. Mukhang nakulangan ata sa tulog kaya 'di ko nalang sya inistorbo, baka maginis pa sya sa'kin.

Syempre sino ba namang makokontento sa anim na oras na tulog diba?

Patuloy pa rin kaming nagjo-jogging sa kahabaan ng pathway. Mukhang may balak ata silang ikutin ang buong campus dahil lumalayo na kami sa field.

Nakakahiya pa naman ang suot ko. Hello kitty na sleep wear. Nakapantulog pa kasi kaming lahat dahil wala na kaming oras para makapagbihis pa kanina.

Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari ngayon sana pala ay nakapangjogging attire akong natulog kagabi para naman 'di ako magmukhang ewan ngayon.

Habang tumatagal rin ang aming ginagawa ay napapansin ko na ang padabog-dabog na pagjogging ni Kath na sinasamahan nya ng bulong.

'Di ko alam kung anong nangyari sa babaeng 'to, mukhang nasapian ata ng masamang espirito. Tsaka ang aga namang sumapi ng espiritong 'yon. Sana all early bird.

Siniko ko sya nang 'di ko na makayanan ang ginagawa nya. Magkatabi kasi kami kaya naririnig ko minsan ang mga murang binubulong nya.

Ke aga pa lang nagmumura na agad. Mukhang ganon ata ang morning ritual ng isang 'to.

"Ano?!" Naiinis na asik nya matapos ko syang sikuhin.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

Natahimik sya saglit. Nagdadalawang isip kung sasabihin nya ba sa'kin o hindi ang rason kung bakit sya naiinis ngayon.

"W-wala," aniya tapos ay tinuon nalang sa daan ang atensyon.

Nainis naman ako kaya binatukan ko sya, "Gaga ano nga?"

Batid kong narinig nina Hailey ang sinabi ko dahil bahagya silang lumingon sa'min saka hinaan ang takbo ng kanilang pag-jogging. Medyo nangunguna kasi silang tatlo kaysa sa'min ni Kath.

Nagdalawang-isip ulit si Kath kung sasabihin ba nya kaya pinanglakihan ko sya ng mata para matakot naman sya, kahit alam ko namang imposibleng mangyari 'yon.

"Naka-usap ko si Tyler kagabi." 'Yon pa lang ang sinabi nya pero napahinto na kaming apat sa pagtakbo kaya naman ay nahinto rin si Kath.

Ngunit mabilis lang iyon dahil nagpatuloy ulit kaming tumakbo.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon