(15)

2 1 0
                                    



Chapter 15

Kath's POV

It's been months now since the photoshoot happened. And today is Saturday. Nakapalibot kaming lima dito sa pabilog na lamesa sa salas. Lahat nakatunganga, nag-iisip ng mga bagay na pwede gawin o paglibangan. Tapos na ang photoshoot e, kaya we're here in our house, feeling bored.

Sa mga linggong dumaan halos nagawa na namin lahat ng pwedeng gawin. Napanood na namin ang mga palabas na pwedeng panoorin, nakapag-gawa na kami ng mini garden sa bakuran, nakapaglaro na kami ng mga larong pwedeng laruin halos lahat na nagawa na namin. Kaya ngayon, eto walang ng magawa, kakatapos lang rin naming linisin ang buong bahay.

Kaya eto ako, nakatitig sa kawalan. Walang nararamdaman. Walang iniisip. Just staring at nowhere, with no thoughts in mind.

Di ko namalayang matagal pala akong nakatunganga. Kung di lang pumitik-pitik ng kamay si Clara sa harapan ko di pa ako mababalik sa kasalukuyan. Nagtataka akong napalingon sa kanilang apat. Para kasing kanina pa sila nag-uusap-usap at napatigil lang ng makitang nakatunganga ako.

"Ano bang iniisip mo at para bang kay lalim?" Naasar na tanong ni Steph.

"Wala," umiiling na sabi ko.

"So, mabalik tayo.. Gaya ng napag-usapan, para di na tayo mabully o maprank ulit gagawa na tayo ng paraan!" Excited na sabi ni Hailey.

Bagot akong napatingin sa kanya, "Anong paraan?"

"Ano pa ba? Edi paraan para maka-higanti tayo sa kanila!" Masayang sabi ni Annica,

"Akala ko ba look into the brighter side ang motto nyong dalawa? Anong nangyari at mukhang kayo pa talaga ang nangungunang mag-isip ng ganitong ideya?" Nagtatakang tanong ko,

"Akala ko rin ba na payback time ang gustong-gusto mong gawin, anong nangyari at mukhang di ka nakikisama ngayon?" Pabalik na tanong ni Annie.

"Nagtatanong lang e,"

Bumalik ulit kami sa pinag-uusapan. Actually, wala naman talagang kaso sa'kin ang maghiganti, sa katunayan nga gaya ng sabi ni Annie, yun ang pinaka-hinihintay kong gawin namin.

Sa ilang linggong dumaan palagi kaming nabubully sa school. Two times a week kung makapagprank sila. May minsan pang tatlo sa isang linggo. And during those weeks we did not take revenge. We have the time and right timing but we still chose not to. Kahit sabihin nating ayos lang kay ma'am G na maghiganti kami. Kahit na alam naming pumapanig sya sa'min pero 'di pa rin namin ginawa. Kahit na ilang beses kaming bumili ng mga uniforms na halos pati sweldo namin maubos na kakabili ng bago 'di parin kami naghiganti. Kahit na ilang beses kaming madulas-dulas sa hallway o kahit sa labas ng room di pa rin kami naghiganti.

You wanna know why?

Kasi pinipigalan kami parati ni Hailey at Annie. Kahit na minsang mas nakakaawa ang sitwasyon nina Hailey at Annie kapag nagpa-prank sila, mas pipiliin pa rin nilang di maghiganti. Kapag nawawalan na ng pasensya si Annie parating pumipigil si Hailey and then vise versa. Parati nilang sinasabi na kakarmahin lang sila. That Karma is a bitch.

Every time na nabubully kami, it feels like the whole star section vs kaming lima. Well, may mga pagkakataong kasali ang ibang section pero para lang pagtawanan kami and its not even funny! Being bullied is not funny! Plus the fact na first time naming naranasan 'yon. 'Di kami sanay sa ganoong pagtrato! So we let it all passed.

Palagi naming sinasabi sa sarili namin na 'sige, papalampasin namin tong prank na ito. Pero sa susunod na gagawa pa sila ng kalokohan sa atin, maghihiganti na tayo'. But still, many pranks had been done and we let it all passed.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon