(20)

2 0 0
                                    



Chapter 20

Clara's POV

Nang maka-uwi na kami galing sa trabaho agad akong dumiretso sa kwarto para makapagpunas. Nagluluto na sina Kath sa labas ng hapunan. Ngayon pa lang kasi kami magd-dinner dahil di naman kami nakaramdam ng gutom kanina habang nagta-trabaho kami.

Nagbihis ako bg pantulog bago lumabas sa kwarto. Nakita kong nasa hapag na sina Hailey, Annie at Steph ng makapasok ako sa kusina. Nakapantulog na rin. Mukhang hihintayin pa naming matapos
Magpunas sa Kath ah.

Umupo ako sa tabi ni Steph habang kaharap ko naman si Hailey. Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok si Kath na nakapantulog na rin. Kaya naman ng maka-upo sya sa upuan nya, which is katabi ko at ni Annie, ay nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami pinaguusapan namin ang mga naganap ngayong araw. Yan kasi ang nakasanayan namin, ang ibahagi kung kamusta ang araw namin. Halos lahat kami ay nagsalita't nagreklamo na lahat-lahat pero may isang masyadong tahimik.

"Hailey ayos ka lang?" Tanong ni Annie. Mukhang pansin nya rin ang pananahimik ni Hailey ah.

"Oo nga Hailey, ayos ka lang ba? Pansin ko ang pananahimik mo. May bumabagabag ba sa'yo?" Tanong ko naman.

Parang biglang bumalik sa kasalukuyan si Hailey saka wala sa sariling napatingin sa'min, "Ha?"

"Ang sabi namin ayos ka lang ba?" Ulit na tanong ni Steph.

"Maybe," kibit-balikat nyang sagot saka iniwas ang paningin sa'min.

Di na namin sya kinulit pa dahil mukhang ayaw nya pang sabihin ang kung anong iniisip nya. Magbabahagi naman sya sa'min kung gusto na nyang sabihin kung anong bumabagabag sa isipan nya.

Nagsimula ulit kaming mag-usap usap para di kami balutin ng katahimikan. Binabahagi namin ang mga naging bagong kaibigan namin sa mga clubs.

Nagtatawanan kami sa ikinwento ni Kath tungkol dun sa babaeng nag-akala rawng magboyfriend girlfriend sila ni Johann. Patapos narin naman kami sa hapunan kaya mas maraming time na para magkwentuhan ng nakakatawa nang biglang magsalita si Hailey.

"Nakita ko si Tyler kanina." Mahina man ang kanyang pagkakasabi, rinig na rinig pa rin naming lahat.

Walang nakapagsalita. Mukhang lahat kami ay nagulat sa sinabi nya. Maraming tanong ang namuo sa isip ko. Mga tanong na alam kong walang makakasagot.

Katulad ng saan nya nakita si Tyler? Nakita rin ba sya ni Tyler? Kung sa campus man sila nagkita alam ba ni Tyler na dun rin kaming apat nag-aaral? Alam ba nyang di nasira ang pagkakaibigan namin? At marami pa iba.

Ngunit parang nadinig ni Hailey ang mga tanong sa isip ko, "Nakabanggan ko sya kanina sa field habang tumatakbo ako. I don't know if he knows na dun rin kayo nag-aaral. I even doubt kung alam ba nyang di naman talaga nasira ang pagkakaibigan natin." Aniya.

Namuo ulit ang katahimikan sa loob ng kusina. Ang kininang maingay na kusina ay biglang tumahimik dahil sa balitang sinabi ni Hailey. Ito yung katahimikang may dalang tensyon. Mararamdaman mo ang kaba ng bawat isa. Ang maraming tanong na bumabagabag di lang sa'kin ngunit saming lahat.

Habang iniisip ko ang mga maaribg sagot sa sarili kong tanong ay bigla muling nagsalita si Hailey,

"Naka-move on na naman tayong lahat diba?" Aniya habang tinitingnan kami isa-isa.

Yan yung tanong na dati pama'y pinag-isipan ko na. Ang tanong na alam ko ang sagot.

"Yes, ofcourse." Sabay-sabay na sagot naming apat.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon