(19)

3 1 0
                                    



Chapter 19

Hailey's POV

Pabalik na ako sa office ni Sullieval galing sa pagkuha ng mga papel na inutos nya. Pa'no ba naman kasi, Lunes na naman. Masyadong mabilis dumaan ang mga araw. Parang kanina lang Sabado pa tapos ngayon Lunes na.

This week is the intramurals week pero di pa ngayong araw ang official intramurals day, Wednesday pa. Pero may nag-aadvance game na ngayon katulad ng volleyball at basketball. Per category kasi ang maglalaban-laban, kasali yung section ng mga C-Presidenta Presidente. Lahat ng section kailangan may maglalaro.

For example, since ang section Sun, Moon and Star section, which is yung section namin, ay mga section na kinabibilangan ng mga C-Presidenta Presidente o yung mga nangunguna sa mga Clubbings dito sa paaralan, Category A kami. Category B naman ang mga estudyanteng nasa Deportiva Sección o Sport section. Dyan nabibilang ang mga estudyanteng athlete. Category C naman ang mga estudyanteng nasa Sección Especial, dyan nabibilang ang mga estudyanteng magaling sa mga academics, kadalasan sa mga estudyanteng nariyan ay mga nerds. Category D naman ang mga estudyanteng nasa Sección de Musica o Music section, dyan naman nabibilang ang mga estudyanteng may talent sa pagsayaw, pagkanta at pagtugtog ng mga instrument. Basta something na related sa music. And lastly, Category E dyan nabibilang ang mga estudyanteng nasa Sección De Artes Y Manualidades o Arts and craft section. Sila yung mga estudyanteng mahilid sa arts, halata naman sa section diba? Kadalasan din dyan nagmumula ang mga members ng Organizing team at SSG.

Sa pagkaka-alam ko every category is consist of eight room letter, which is A-H, dyan malalaman kung anong year level kayo. The A and B is for fourth year, C and D is for third year, E and F is for second year and the G and H is for first year. For example, kunyareng sa Music section ako nabe-belong, since I can't use our section dahil wala naman syang room letter kasi nga its a section exclusively for the club leaders, and I'm a fourth year high school student so dun ako sa A or B depende sa kung saang room ako ilalagay. Let's take for example na sa A ako nilagay, so the name of my section would be Sección de Musica A.

The only exempted sa classes today ay yung mga Club members ng Arts and craft, SSG, Organizing team, On-write staff and Photography club, and the players na may laro ngayong araw. The rest ng mga estudyante ay may mga klase na.

Kahit di naman ako kasali sa mga club na nabanggit dyan ay exempted pa rin ako dahil kami— I mean si Sullieval ang nagha-handle ng school patrol. Which is our responsibility is to secure the whole school and event. We need to make sure na walang manggugulo sa susunod na araw which is the opening of intramurals. And since I'm Sullieval's assistant I'm automatically exempted sa class.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Sullieval, may naririnig akong nag-uusap, but I didn't mind it. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago dahan-dahang pinihit ang doorknob saka pumasok.

Una kong nakita si Sullieval na naka-upo sa upuan nya. Wala sa akin ang kanyang paningin kundi nasa lalakeng umu-upo sa sofa na katabi ng isa pang lamesa kung saan ko ilalagay tong mga papel.

"Ahm, excuse me. Ilalagay ko lang 'to." Pagpapa-alam ko ngunit di man lang nila ako pinansin kaya dahan-dahan at nakayuko kong iniligay ang mga papel sa lamesang katabi ng sofa.

Akala ko ay tahimik na akong makaka-alis ngunit biglang nagsalita ang lalakeng naka-upo sa sofa.

"Hi miss," Aniya, kaya napalingon ako sa kanya.

"Ahm Hello!" Masiyahin kong balik bati sa kanya.

Batid kong mas bata pa sa'kin ang lalakeng ito kung pagba-basehan ang kanyang mukha. Pati na rin ang kanyang pananamit ay pangbata. Mukhang nasa mga grade 6 pa ata tong lalakeng ito. Kahit ang kanyang boses ay di pa buo. Halatang totoy pa.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon