(23)

3 0 0
                                    



Chapter 23

Kath's POV

6am palang ay bumangon at naghanda na kami ng damit at gamit na dadalhin, ngayon kasi ang unang araw ng camping. 10-11am ang usapang time ng pagdating sa school kaya ngayon palang ay naghahanda na kami. 'Di kasi kami nakapag-ayos kagabi dahil sobra kaming napagod sa trabaho kaya ng makarating sa bahay ay tulog agad ang inatupag.

Dalawang oras ata ang lumipas matapos akong maghanda. 30 minutes sa pagtunganga dahil wala pa sa ayos ang utak ko habang 1 hour and 30 minutes naman sa paghahanda.

Pumasok ako sa banyo saka naligo. Kailangan kong kumilos agad dahil baka masigawan ako ni Annie. Gusto pa naman nun na palaging maaga.

Nang matapos ay nagbihis lang ako ng pangcivilian since di naman na kailangang mag uniform dahil camping naman saka ako lumabas.

Nasa sala palang ay amoy na amoy ko na ang niluluto ni Hailey. Sya lang kasi ang marunong magluto sa'min dito kaya kapag wala sya, bumibili nalang kami ng pancit canton kina nene para ulamin yun lang kasi ang alam naming lutuin bukod sa nilagang itlog.

Pumasok ako sa kusina saka dumiretso sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni Steph na mukhang natutulog yata. Nakayuko ang kanyang ulo habang tinatabing naman ng kanyang magulong buhok ang mukha nya kaya 'di ako sigurado kung natutulog ba sya o baka trip nya lang yumuko ngayon. Nasa hapag na rin ang ulam na adobong baboy. Mukhang pina-fried rice na ni Hailey ang 'di namin naubos na kanin kagabi ah.

Sabay na pumasok sina Clara at Annie. Kanina kasi nung naghahanda ako ng gamit ay tulog pa si Clara tapos nung natapos akong maligo ay saka ko sya nakitang naghanda ng dadalhin nya kaya 'di kami sabay lumabas ng kwarto. Wait! Nasabi ko na bang nasa-iisang kwarto lang kami ni Clara? Well kung 'di pa sasabihin ko ulit. Nasa iisang kwarto lang kami ni Clara habang sina Steph at Hailey naman ang magkasama sa iisang kwarto, si Annie naman mag-isa sa isa pang kwarto.

Maya-maya pa ay natapos ring magluto si Hailey ng fried rice kaya siniko ko si Steph para naman magising kung natutulog nga ito bago kami nagsimulang kumain.

"Diba for all grade 10 ang camping? So it means that Tyler will be there. So what we'll gonna do?" Pagbubukas ng usapan ni Clara.

Naman oh! Umagang-umaga pangalan agad ng gagong yun ang maririnig ko! Nakakasira ng araw!

"We'll gonna do nothing," Ani Hailey.

Napatingin kaming apat sa kanya, pati si Steph na inaantok kanina ay biglang nabuhayan.

"We'll not gonna do anything? What do you mean by that?" Tanong ni Steph.

Mukhang bigla atang gumana ang mga braincells nya at nakapagtanong sya ng ganyan. Maski ako man ay nalilito sa sinabi ni Hailey.

"Yes, wala tayong gagawin. We'll just act like nothing happened in the past. What else should we suppose to do?"

'Di ko napigilang magtanong. Marami kasing mga what ifs ang pumapasok sa isip ko. "But what if dun nya tayo kakausapin? What if dun nya tayo kukulitin? Anong gagawin natin? Wala?"

"That's why we should avoid him as much as possible." Tugon nya.

"What if maging kagrupo natin sya? Or maybe one of us will be in his group. What we'll gonna do? Still avoid him? We can't do that especially maraming tao ang makakakita. Not just the Sun, Moon and our section, marami pang iba. Baka mahalata nilang may something between us which is the truth." Ani Annica.

May point sya dyan. 'Di namin alam kung anong pwedeng mangyari sa'min dun. 'Di rin pwedeng iwasan nalang namin sya palagi dahil maraming makakahalata. Tsaka ang balita namin ay ihihiwalay-hiwalay daw kaming magkakasection. 'Di pa namin alam kung saang grupo kami nabibilang, mamaya pa ata sasabihin.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon