(06)

6 1 0
                                    


Chapter 6

Kath's POV

Kinabukasan, maaga pa rin kaming pumasok. Tinandaan na namin yung daan papunta sa classroom para di na kami maligaw. Hindi pa naman approachable ang mga stupidyante dito.

Umupo kami agad pagrating namin sa classroom. Kaunti palang kaming naroroon, marami pang wala. Hindi na kami nagtangkang lumabas o mag-ikot-ikot, baka maligaw nanaman kami at sa pagkakataong 'to di na talaga kami makakabalik.

Maya-maya biglang lumapit sa'min si Sofia, yung kasama naming napili, galing sa sección de musica. Nagfe-feeling close. Kinausap nya kami about sa dapat daw naming malaman tungkol sa mga studyante dito.

"Wag kayong kumausap sa mga ibang studyante dito, unless kung mga kaklase o ka same section nyo lang. The first rule in this school is to never talk or communicate with other section. Kaya kung may tanong kayo feel free to ask our classmates only."

Parang ang sections kasi dito is base on your talent or skills. Like, if you are a sporty student then you belong to sección deportiva or Sports seccion. Ganun daw yun e, base sa narinig kong usapan ng mga studyante. I'm not sure though.

Tumaas naman ang isang kilay ko "And why is that?"

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Ngumiti lang sya at tumayo para maka-alis.

May tanong pa sana kami e! Pabitin masyado ang tita nyo girl! May pa feel free feel free pa syang nalalaman pero di nya naman sinagot yung tanong ko!

Handa na sana akong makipag-usap sa kanila tungkol sa sinabi ni Sofia nang biglang nag-salita si Louisse.

"Okay guys, since we are already complete get your things 'cause we will be heading to music room. Gaya ng plano kahapon, since our section are compose of clubs president dapat alam natin ang lahat ng bagay na ginagawa in every clubs."

Agad kong kinuha ang bag ko. Di ko naman nilabas ang mga gamit ko kaya madali kong nadala ang mga gamit ko.

Hintay muna naming may maunang maglakad bago kami sumunod. Di namin alam ang daan 'no! Bawal panaman daw'ng makipag-usap sa di namin kaklase or ka-section.

Nang nakarating sa music room agad nagbigay ng announcement yung music club president. Si Richard.

"Today, ang una nating gagawin ay magpa-tugtog ng musical instruments. If you know how to play a certain instrument, then show it to me. If you can't, then don't worry, magpaturo nalang kayo sa may alam. Sino ba dito ang di marunong gumamit ng mga instruments?"

Marami-rami rin ang nagtaas ng kamay. Pero di kami kasali dun, alam naman kasi naming gumamit ng mga instruments.

Tumango si Richard "Marami pala kayong di alam kung pa'no gumamit ng instruments. Yung di marunong set aside muna kayo." Agad namang pumunta sa gilid yung di-marunong kaya naiwan kaming marunong magpatugtog.

Hiniwa-hiwalay kami ni Richard sa tatlong grupo, kasi limited lang daw yung pwede munang ipagamit na instruments. So, by batch kami kung gagamit. Kasama ko si Annie habang sina Hailey at Stephanie ynaman ang magkasama, si Clara lang ang nahiwalay sa'min. Sa grupo namin, kasama rin namin si Jasmine, Francis, atsaka si Clark. Kasama naman nila Hailey sina Obadiah, Peter— yung president ng Science club at si Micah— kasama naming napili, galing sa sección de musica or Music section. Habang ang kasama naman ni Clara ay sina Sofia, Johann, Sullieval at Amber— yung President ng Math club.

It consist of five members in every group. Kasi limang instrument lang muna ang pinagamit—which is Acoustic guitar, Electric guitar, Bass guitar, Keyboard and Drum set.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon