(05)

7 1 0
                                    

Chapter 5


Annica's POV


Nang makarating ako sa classroom galing recess wala pang teacher pero narito na halos lahat ng kaklase ko. Kaya umupo nalang ako sa upuan ko na nasa gitnang bahagi ng classroom.

At dahil nga wala pa naman ang teacher, nag-cellphone muna ako... Pero nakailang games na ako di parin dumarating yung teacher. Pabalik-balik na ako sa Facebook, Instagram at tweeter pero di parin dumadating si ma'am.

Minabuti ko na ring magbasa ng libro para malibang ako. Nakakabagot na...

Isang oras yata ang lumipas bago may isang babaeng pumasok. Di sya ang teacher namin. Iba yun sa ngayon.

Kahit kunti lang ang nakapansin sa pagdating nya nagsimula parin syang magsalit. "Good morning everyone, I am Miss Mhel and I am your guía." Pagpapakilala nya

Bakit pa kailangan ng guide? Magtu-tour ba kami sa loob ng campus?

Di panaman sinasabi kung bakit may guía lumukot na yung mukha ko. Ang laki-laki nitong campus tapos magtu-tour kami dito?! Duh, mapapagod ako kung lalakarin lang namin to. Ayaw kong ma-hurt yung feet ko, huhu. Charot lang.

Tsaka alam ko kung anong ibig sabihin ng guía kasi nag-aaral rin ako kung paano magsalita ng spanish langguage.

"Sinabi na ba ng teacher nyo kanina that this section and classroom are not really your true section? It is for orientation purposes only. So today, I will guide each one of you to your designated sections. And since, marami kayo tapos ako lang mag-isa, may tutulong saakin. But blindfold yourself first. At the back of your chair, may nakalagay dyang handkerchief. That handkerchief will serve as your blindfold, so, wrap it up in your eyes."

Agad naming sinunod si miss Mhel at binlindfold namin ang aming mga mata.

Masyadong tahimik ang classroom at tanging ang boses lang ni Miss Mhel ang maririnig.

"Come on in now boys and girls!" Sigaw nya. Tinatawag nya siguro yung mga tutulong sa kanya para iguide kami sa tutoong classroom daw namin.

Naramdaman kong may amalalay sa'kin. Ang bango nya, ang manly nang dating.

Naglalakad na kami ng magsalita sya "Hi miss," shet, ang bango nang hininga nya, amoy mint. Tsaka yung boses nya parang familiar.

"Ahm... hi?"

"What's your name?" Tanong nya sakin

"Annica."

"Simple mo namang sumagot. By the way I'm Francis. France for short."

"Wait, your name is France? Your name sounds familiar." Mukhang di naman siguro sya 'yon.

"Really?"

"Yes."

"May kakilala ka bang France rin ang name?"

"Di talaga kakila. Nam-bwesit lang sa'kin nung isang linggo sa mall." Pagchichika ko kay Francis.

"Nagpunta rin ako sa mall nung isang linggo. May bwenisit rin akong isang babae."

WTF?

Bigla akong napatigil sa paglalakad tsaka ko tinanggal ang blindfold para makasiguro kung sya nga 'yon.

Nang matanggal ko na iyong harang sa mata, mukha nya agad ang una kong nakita. Makinis na yung mukha nya, wala nang pimples, tsaka mas gwapo syang tingnan ngayon kaysa nuong sa mall.

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon