(07)

9 1 0
                                    


Chapter 7

Stephanie's POV


"So this afternoon, titignan ko kung paano kayo sasayaw. Any type of dance is okay. You can also do it by group. I'm giving you half hour to practice your moves." Announce ni Ericka, yung team leader ng dance troop.

Nag-usap kami nila Clara kung grupo ba kami sasayaw o individual nalang. We ended up being a group. Sasayawin namin yung sayaw ng one million, 7/11 by Byoncé.

Tapos na ang thirty minutes na bigay ni Ericka, kaya tumigil na kami sa pagpa-practice at tinignan nalang ang mga naunang mag-perform sa'min. May nagsayaw ng mga kpop dance moves, mayroon ring nag popping, nag-robotics, nag-tap, ballet at hip-hop. May mga di rin marunong magsayaw.

Nang kami na ang sasayaw, di ko alam kung anong nararamdaman ko. Halong excited, kaba at pangamba, baka di namin ma-execute ng maayos yung mga moves o baka may matumba samin.

Ako ang nasa gitna nang mag-triangle na yung formation. Sa bandang kaliwa ko si Annica, sa bandang kanan naman si Clara, sa liko ni Annica si Hailey, sa likod naman ni Clara si Kath.

Maraming namangha nang matapos kaming sumayaw. Buti nalang talaga at di kami nakalimot sa mga stepping.

Inayos ko na ang mga gamit ko nang sabihing pwede na daw kaming umuwi.

Bumaling ako sa kanila para mag-aya ng umuwi.

"Ngayon nalang kaya tayo maghanap ng part time job?" Suggest ni Hailey

Sumangayon naman si Annica "Why not? Maaga pa naman."


Kaya yun ang ginawa namin. Pununta kami sa mga fast food chains para magtanong kung pwede bang magpart time job.

Pang-apat na fastfood na namin 'to ngayon. Pag di pa kami matatanggap dito uuwi na talaga kami.

"Excuse me miss, pwede ba kaming mag-apply as part time dito?" Tanong ko sa isang crew na dumaan.

"Tanongin nyo nalang po ang manager namin ma'am."

"Nasaan po ba ang manager nyo?"

"Samahan ko nalang po kayo. This way please."

Pagbukas ng pinto agad kong nakita ang isang lalaking naka-upo sa swivel chair. Mga nasa mid-20's or late 20's na ata ang edad nya. Pinapasok nya kami at tinanong kung anong sadya namin.

Si Kath ang sumagot "Nakita kasi namin 'to sa labas. Mag-aapply lang sana kami as a part time."

Pinagsalikop nya ang dalawang kamay sa taas ng mesa tsaka nagsalita "O sige." Yes!

Yun na 'yun? Wala ng further questions? Kung marunong ba kaming maglinis? Marunong ba kami sa mga gawain? Di na kami hahanapan ng resume? Ng birth certificate? 2x2 picture? Ng kahit ID na magpapatunay na estudyante talaga kami? Pa'no kung props lang pala namin tong mga uniform?

Tumikhim si Clara "Ano po ba ang gagawin namin?"

"Waitress."

"Kailan po kami magsisimula?" Annica ask

"Bukas."

"Anong oras po ang shift namin?" Si Hailey naman ang nagtanong

"Night shift kayo since may mga klase pa kayo sa umaga at hapon. 5-10 pm ang shift nyo."

"Pa'no po kayo nakakasigurong may klase kami sa umaga at hapon?" Tanong ko

"Base on your uniforms. And also I need your resume."

Nothing Last ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon