Prologue

26 1 2
                                    

"Ate wag ka nang umalis,please huhuhu." umiiyak na sabi ng nakakabata kong kapatid na si Eric.

Nasa terminal ng bus kami dahil ngayon ang nakatakdang araw na lilisanin ko ang lugar na 'to.Ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ng kapatid ko at tinignan siya.

"Eric naman,binata ka na pero hindi ka pa rin marunong magpunas ng sipon mo." Pagpapatawa ko sa kaniya para tumigil na siya sa pag-iyak.

"Ate naman eh!"

"Hehehe nagbibiro lang! Tsaka tumigil ka na kasi sa pag-iyak. Sige ka,makikita ka ng crush mo." Pananakot ko sa kaniya at pinunasan ang mga luha niyang patuloy pa ring umaagos.

"W-Wala akong p-pakealam... kung makita man ako ng.. crush ko.. ate basta wag ka lang u-umalis." Gumagaralgal na ang boses nito dahil sa walang tigil na pag-iyak niya kaya naman niyakap ko siya.

"Para din naman 'to sayo,Eric eh.Diba gusto mong maging doctor? Matutupad mo ang pangarap mo kapag pumunta na ako sa Maynila."

"K-Kaya ko namang.." napasinghot siya sa sandali."..pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral eh.. h-hindi..mo na kailangang pumunta pa..ng M-Maynila,ate..wag ka nang umalis..please."pagmamakaawa niya kaya naman napatingala ako para pigilan ang luha kong papalabas na rin.

"Bunso naman,hindi ko rin naman gustong malayo sayo eh pero gusto kong maiahon kita sa kahirapan kaya kahit mahirap,kailangan kong lumuwas ng Maynila para sayo.. hindi naman kita kakalimutan eh..promise,tatawagan kita para hindi mo ko mamiss."paliwanag ko sa kaniya at hinihimas ang likod nito para tahanin siya sa pag-iyak niya.

Maya-maya pa'y humiwalay siya ng bahagya sa pagkakayakap sakin at tumingin sakin.

"P-Promise?" Parang batang tanong niya kaya naman napatawa ako."Bat mo ko pinagtatawanan? Pangit na ba ako ate?"

Dati na.

Gustong sabihin kaso wag na baka umiyak na naman.

"Hindi 'no! Ang gwapo mo pa rin kahit umiyak ka.Natawa lang ako kasi para ka pa ring bata."

"Eh bata pa naman ako." Nakangusong giit niya.

"Oo na kaya wag ka nang iiyak ulit ha? Sige ka,papangit ka niyan tsaka tatawagan naman kita para kahit papano eh maramdaman mo pa rin ang presensya ko,promise! Mamatay man kapitbahay natin!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na animo'y nanunumpa. Napanguso na lang siya at muli akong niyakap.

"Sige ate basta mag-iingat ka don ha? Kapag may nanakit sayo tawagan mo lang ako at makakatanggap siya ng malulutong na mura." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw talagang bata ka,jusko." natatawang sambit ko at humiwalay na sa kaniya."Sige na,Eric.. ilang minuto nalang aalis na ang bus mahirap na baka maiwan pa ako."pagpapaalam ko sa kaniya at niyakap niya naman ako ng mabilisan.

"Sige ate,mag-iingat ka." Aniya at nginitian ko naman siya.

"Ikaw din,bunso,mag-iingat ka. Aral mabuti ha? Love na love ka ni ate lagi mong tatandaan yan ha?"bilin ko sa kaniya at tumango na lamang siya para pigilan ang luhang namumuo na naman sa mga mata niya.

Nag-flying kiss ako sa kaniya at nagsimula nang umakyat sa hagdan ng bus nang biglang.....

"Ate! Sandali!" Napalingon ako at tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nang yakapin niya ako ng mahigpit."One last hug lang po ate para kahit papano eto nalang ang pabaon ko sayo." dagdag niya at humiwalay na sakin.

"M-Mamimiss kita.."

"Luhh,ate naman. Diba kakasabi mo kanina? na nakakapangit ang pag-iyak? Wag ka ng umiyak ate ko,ang pangit mo na nga tas mas lalo ka pang papangit."matotouch na sana ako kaso binatukan ko siya sa huling sinabi niya,ang bait talaga ng kapatid ko! "Grabe,aalis na nga,binatukan pa ako. Talagang naligaw ka nga sa katawang babae ate kasi daig mo pa lalaki sa sobrang lakas mo."

"Ikaw kasi bwiset ka!"

"Sorry na ate HAHA"

"Sige na,babye na. Nakakahiya naman sa mga pasahero."ibinulong ang huli kong sinabi dahil pinagtitinginan na kami dito. Naiinip na sila.

Bumaba na nga si Eric at ngumiti sakin.

"Bye ate!" Paalam niya sakin at nginitian ko na lamang siya tsaka nagtungo na sa upuan ko.

Umandar na ang bus at sumilip ako sa bintana saka siya kinawayan.Habang papaalis ay hindi ko maiwasang maluha.Sa unang pagkakataon ay lilisanin ko ang lugar na kung saan ako natutong magpahalaga.Sa lugar na kung saan nagkaroon ako ng mapagmahal at mapag-arugang pamilya.

Goodbye for now,my beloved Isabela.

©iamellekim


Coffee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon