Gab's POV
Tanaw ko na si Nico kasama si Levi na nakatayo rin sa tabi niya pero dahil nahihiya ako sa ayos ko,nagtago muna ako sa may hagdan.
Ilang sandali pa ay huminga ako nang malalim tsaka nagsimula nang maglakad papunta sa kanila.
Malapit na ako sa kanila at dahil siguro sa ingay ng heels ko,napatingin si Nico sakin.
"Is that you,Elle?" Aniya at napatingin si Levi sakin.
*Dugs* *dugs* *dugs*
Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapatingin din si Levi sakin.
Halata sa mukha nito ang pagkagulat.
Hindi niya siguro inaasahang pupunta din ako.Wala naman talaga akong balak eh,ang saya ko nga na saktong day-off ko yung debut dahil sigurado akong hindi ako pupunta kaso si Nico kasi! Tss!
Nang makalapit na ako sa kanila ay hindi ako makatingin sa kanila ng maayos.
Sino ba naman kasing mag-aakala na ang isang tomboy na katulad ko ay mag-dre-dress tas magsusuot ng heels with matching kolorete sa mukha? Jusko! Lupa,lamunin mo ko ngayon na!
"Grabe,Elle,ikaw ba talaga yan? Hindi kita nakilala dahil sa ayos mo." Nico
"Ha? Hehehe." Nasabi ko nalang dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Maganda ka na kaso mas gumanda ka pa ngayong gabi."nakangiting sabi niya.
"H-Ha? Thank you." Sabi ko.
"So,let's go?" Aniya tsaka inilahad ang kamay niya sakin.
Ngumiti ako at aabutin na sana ang kamay nito ngunit nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Third person's POV
Nagulat si Gab nang agawin ni Levi ang kamay nito at dali-daling naglakad kaya hanggang sa paglabas nila sa loob ng mansion ay magkahawak-kamay sila.
Pinagbuksan pa niya ito ng pinto,nagtataka man sa inaasta ng binata ay sumakay nalang siya.
Napalingon siya nang makitang sumakay rin ito at tumabi sa kaniya.
Isasara na sana niya ang pinto ngunit pinigilan siya ni Nico.
"Bro,hindi bat sa harap ka? Bumaba ka na dyan,ako ang tatabi kay Gab,diba ganda?"sabi nito tsaka ngumiti kay Gab kaya dumilim ang mukha ni Levi.
"Nakaupo na ko eh kaya dyan ka na sa harap maupo,kung ayaw mo naman,mag-taxi ka nalang."masungit na tugon ni Levi kaya no choice si Nico kundi ang pumwesto sa harap.
Nang maayos na ang lahat ay umandar na ang sasakyan tsaka bumyahe papunta sa isang mansion kung saan gaganapin ang debut.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa destinasyon nila.
Naunang bumaba si Levi para alalayan siyang bumaba.
Nagtaka siya ng ilahad ng binata ang kamay nito.Tatanggapin na sana niya ito ngunit biglang pumagitna si Nico sa kanila.
"Bro,wag dito. Baka mamaya magkaroon ka na naman ng issue." Pagpapaalala sa kaniya ni Nico at dun niya na-realize na may posibilidad na mangyaring masama kapag nakita ng mga tao na magkahawak sila ng kamay ni Gab.
BINABASA MO ANG
Coffee Prince
Novela JuvenilLumaking sanay sa hirap si Gabrielle Ramirez kaya hindi maipagkakailang kayang-kaya niya ang anumang trabaho,pang-babae man o pang-lalaking gawain.Kilala siya sa probinsiya nila bilang masipag at palabang babae dahil anumang laban ay hindi niya inu...