Chapter 1

18 2 0
                                    

A/N: Hello! To those readers,please do vote,comments and follow me @iamellekim,in that way you can show your appreciation to my story. And please avoid comparing my story to those famous writers out there because we have a different techniques in terms of writing. So yeah,enjoy reading!


Gab's POV

Mahaba-haba ring byahe bago ako nakarating sa Maynila at nandito na ako ngayon sa isang village na kung saan ako magtatrabaho.

Malawak ang village na 'to at first time ko naman dito sa Maynila kung kaya't nagtanong-tanong ako kung saan ang address ng bahay na pagsisilbihan ko.

Hanggang sa itinuro sakin ng isang guard ang direksyon papunta sa nasabing bahay.

"Salamat po manong." Sabi ko kay Manong guard at tinanguan naman niya ako tsaka umalis na siya.

Nilapitan ko ang itinuro niyang bahay--- wait,bahay nga ba 'to?

dO.Ob

Literal na napanganga ako nang makita kong napakalaki nito.Hindi ito basta bahay lang kundi isang mansyon.Dati,sa TV lang ako nakakakita ng ganito.

"Miss? Papasok na po ang langaw sa bunganga niyo." Bumalik ako sa reyalidad nang may magsalita,napalingon ako ngunit wala naman akong makitang tao. Hala,pati ba naman dito sa Maynila may multo? Jusko,baka naman sinundan ako ni nanay dito.

"Miss? Andito po ako." Nagulat ako nang may kumalabit sakin at nilingon ko ito."Ayos lang po kayo?"

"Ha? Ah..Oo,ayos lang ako." Sagot ko sa babaeng inakala kong multo kaya pala hindi ko siya nakita kaagad dahil sa height niya,cute size ang ate niyo.

"Kayo po ba si Miss Gabrielle Ramirez?" Tanong niya.

"Ah,Oo..Ako nga." Sagot ko at don ko napagmasdan ang kabuuan niya.Nakasuot siya ng kulay blue'ng uniporme kaya naisip ko na baka isa rin siyang katulong dito.

"Pasok po tayo Miss,dito ka magtatrabaho." Nakangiting aniya at nauna siyang maglakad para siguro pagbuksan ako ngunit muli akong namangha ng may pindutin siya sa hawak niya at awtomatikong bumukas ang gate ng mansyon.Yayamanin talaga!

Hindi ko na ipinahalata ang pagkamangha ko at pumasok na.Bagamat nakakamangha talaga ang mga nakikita ko sa mansyon na 'to ay mas pinili ko nalang na manahimik baka mamaya sabihan pa akong ignorante eh.Mahirap na at baka unang araw ko palang,bad shot na ako sa magiging boss ko.

Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ay nginitian ako ng ilan sa mga katulong din at meron ding tinarayan ako pero hindi ko na iyon pinansin pa.Sumunod nalang ako sa cute size na babaeng 'to papunta sa office ng magiging boss ko.

Nang makarating na kami roon ay nagpaalam siyang mauna na raw siya dahil may aasikasuhin pa daw siya sa kusina.Magluluto siguro para sa hapunan.

Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan ng boss ko kasabay nito ang tahimik na pagdadasal ko na sana mabait ang amo dahil kung hindi sasapakin ko kung sino man 'tong magiging amo ko chos!

"Come in." Sabi ng isang boses,boses siguro ng boss ko 'to.

At yun nga,pumasok na ako.

"Miss Gabrielle Ramirez right?" Seryosong tanong ng lalaking nakaupo na sa tingin ko ay nasa 50's na.

"O-Opo." Kinakabahang sagot ko.

Maya-maya pa'y nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Coffee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon