Chapter 5

7 1 0
                                    

Gab's POV

Halos wala akong tulog dahil madaling araw palang ay binubulabog na ako ng Levi na yun!

Gustuhin ko mang matulog pa,hindi ko na nagawa dahil pinagbihis na ako nung leche na yun dahil maaga daw kaming aalis.

Kasalukuyan kong binubuhat ang mga gamit niya para ilagay sa van nang makasalubong ko si Ate Laurie.

"Good morning ate." Bati ko sa kaniya pero imbes na batiin rin ako ay nag-sorry siya sakin."Bakit po kayo nagsosorry?"

"Kasalanan ko kung bakit nagbubuhat ka ngayon ng mga niyan."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko at kwinento niya sakin na pinagplanuhan daw talaga ni Levi na pilitin akong maging P.A niya at kasabwat si Ate Laurie dun.Siya lang naman yung dahilan kung bakit hindi ko mabuksan yung pintuan kagabi.

Naiinis man at gusto ko na siyang ibaon sa lupa,ngumiti nalang ako at sinabing okay lang.

Wala eh,nangyari na,pagtitiisan ko nalang ang pagmumukha ng hinayupak na 'yon.

Nagpaalam na ako sa kaniya at tumuloy na sa labas para ilagay sa van 'tong mga gamit ng amo kong nakakainis.

Saktong pagkalagay ko ng mga gamit niya ay dumating na siya.

Papasok na sana ako ng sasakyan kaso pinigilan niya ako. Ano na naman bang problema nito?

"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan? It's your first day remember?"nakangisi nitong tanong. Nang-aasar talaga!

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"Bakit? Babae ka ba para pagbuksan ko?"pabalang kong tanong sa kaniya.

"No,but it's your duty as my P.A " aniya na pinandiinan pa ang pagkakasabi sa P.A

Wala na akong nagawa kundi pagbuksan siya ng pinto at agad naman siyang sumakay.

Padabog ko namang isinara ito at narinig kong tumawa siya pero hindi ko nalang yun pinansin at sumakay na rin.

Umandar na ang van at umalis na kami sa mansyon.Sa sobrang haba ng byahe ay nakatulog ako.

-------------------

Nagising ako nang may kumurot sa braso ko at agad kong sinamaan ng tingin nang makitang si Levi na naman 'yon.

"Nandito ka para maging P.A ko,hindi para matulog."Aniya at lumabas na.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na rin.

Naunang naglakad si Levi kaya sinundan ko  siya.Papasok na sana siya sa isang building nang lingunin niya ako.

"Nasaan yung mga gamit ko?"kunot-noong tanong niya.

"Ah,nasa van,ikaw magbitbit."sarkastikong sagot ko.

"May I remind you that I'm your boss and you're my P.A?"sabi niya at napairap nalang ako sa hangin tsaka patakbong bumalik sa van para kunin ang mga gamit ng mahal na hari. Letse!

Halos madapa na ako kakatakbo para mahabol siya pero ang putangina,walang pakiramdam,mas binilisan pa ang paglalakad.

Ibinaba ko ang mga gamit niya at inayos ko ang pagkakasukbit nito sa sarili ko para mahabol ko yung punyetang amo ko.

Coffee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon