Chapter 3

8 1 0
                                    

Gab's POV

Hindi na naman ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi.Nang malaman iyon ng mga kasamahan kong katulong ay hati ang mga opinyon nila.

Ang sabi ng iba,tama lang daw yung ginawa ko at may nagsabi ding sana hindi ko nalang yun ginawa dahil siguradong papahirapan niya ako.

Hindi nalang ako nagsalita nang gabing iyon at natulog na lang.

Nalaman ko din sa kanila na yung nakaaway ko daw ay si Sir Levi,panganay na anak ni Sir Fernan.

Kinatatakutan daw siya ng marami dahil sa masama nitong ugali.Marami pa silang sinasabi pero hindi ko nalang pinakinggan basta ako,ginawa ko lang kung ano ang dapat.

Nasaktan ako sa ginawa niya kay Manang Sally pati na rin sa pang-iinsulto niya sa mga probinsyanang tulad namin.

Naghuhugas ako ng mga pinagkainan nila nang bigla akong pinatawag ni Sir Fernan sa office nito.

Agad naman akong nagtungo roon dahil sigurado akong nalaman niya ang ginawa ko sa anak niya kagabi.

Nakabukas ang pintuan ngunit kumatok muna ako bago ako pumasok.

"Pinapatawag niyo raw po ako." paninimula ko at sinenyasan akong umupo.

"I heard what you did to my son last night."seryosong sabi nito kaya naman napatungo nalang ako.

Hindi ako nagsalita at saglit na namayani ang katahimikan nang biglang...

*Clap *clap *clap! (Palakpan yan gaga!)

"Good job,hija! You made me amazed!"

Eh?!

Napa-angat ako ng tingin at kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Sir Fernan.

"Hindi po kayo galit?" Nagtatakang tanong ko at natawa naman siya. Ano bang nakakatawa? -_-

"Bat naman ako magagalit? Tama lang yung ginawa mo hija at least ngayon nakahanap na siya ng katapat niya!"

"Po? Katapat?"

"Alam mo hija,ikaw palang ang nakakagawa nun sa kaniya,halos lahat kasi natatakot sa kaniya pero buti nalang hindi ka nagdalawang-isip na bigyan ng leksyon ang anak ko."

"Ah,ganun po ba?" Tanong ko nalang dahil wala na akong masabi.

Ang totoo niyan,hindi naman kasi ako interesado sa kung anong meron sa Levi na yun at kung bakit siya kinatatakutan ng marami.

"Yes,I heard also from Manang Sally that you slapped him not just once but twice?"

"Opo Sir."pag-amin ko at kumunot ang noo ko nang tumawa siya ng pagkalakas-lakas at napahawak pa sa tyan niya sa sobrang tawa nito.

d-_-b

Ang babaw naman ng kaligayahan ng matandang 'to.

"Nakakatawa kang bata ka! Napabilib mo ko,sa unang pagkakataon may pumatol sa mga kalokohan ng anak ko at ikaw pa na babae! Ang tapang mo,hija!"natatawang sabi niya kaya ngumiti nalang ako."Ipagpatuloy mo lang ang nasimulan mo hija,gawin mo kung anong nararapat na leksyon sa anak ko kung sakali mang mag-away na naman kayo..sige na hija,bumalik ka na sa trabaho mo,pasensya na sa abala."

Coffee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon