Chapter 8

5 1 0
                                    

Gab's POV

Isang araw na ang nakakalipas simula nang yayayain sana ako ni Nico na kumain sa labas kaso pinigilan ako ni Levi.

At hanggang ngayon,naiinis pa rin ako sa bwiset na 'yon! Panira,palibhasa bitter sa buhay!

Nagpapasalamat naman akong wala siyang schedule ngayon sa mga showbiz achuchu niya kundi mapapaaga ang pagsundo sa kaniya sa itaas! Teka,itaas? Baka sa baba! Leche!

Alas tres na ng hapon at nagugutom na ako.Niyaya ako nila Ate Laurie na mag-meryenda muna kaso mas pinili kong tapusin muna 'tong ginagawa ko.

Kasalukuyan kasi akong nagtutupi ng mga damit dito sa sala.As usual,wala na naman yung mga tao dito sa mansion,busy sa kaniya-kaniyang mundo.

Madalang na nga rin kaming mag-usap ni Austin dahil busy siya sa pag-aaral niya at busy naman ako sa pagiging P.A ng Kuya niyang may saltik.

Pag talaga ako napuno sa lalaking 'yon,gigilitan ko siya sa leeg tas cha-chop-chop'in ko mga katawan niya!

Natigil lang ang pag-mu-murder ko sa isip ko sa Levi na 'yon nang may magsalita.

Agad naman akong napangiti nang makitang si Nico ito.

"Mukhang bad mood ka ah?"

"Hindi ah! Nga pala,wala yung kaibigan mong may saltik dito,nasa kompanya nila."sabi ko at natawa siya.

"Hindi naman siya ang ipinunta ko dito eh."nakangiting tugon niya at umupo sa tabi ko.

"Eh sino?"

"Ikaw."aniya at naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"H-Ha? B-Bakit?"

"Gusto kitang makasama tas makilala pa. Epal kasi si Levi eh,hindi tuloy kita nayaya nung nakaraan."

"Oo nga."

"Oh,siya. May dala akong pagkain,kain ka." Aniya at binigyan ako ng burger tas coke.

Nahihiya man ay kinuha ko na lang ito. Kasi ika nga nila,bawal tumanggi sa grasya! Kaya ayun!

"Salamat." Sabi ko at tsaka nagsimula ng kainin ito.

dO_Ob

"Wow,ang sarap!"sabi ko at napangiti naman siya.

"Talaga?"

"Oo,tikman mo,dali!" Yaya ko at inabot sa kaniya ito ngunit imbes na kunin ito ay kumagat nalang siya dun mismo sa pinagkagatan ko.

"Ang sarap nga!"masayang sambit niya.

Pagkatapos nun ay nagkwentuhan muna kami at aliw na aliw ako sa mga kwinekwento niya. Tulad ni Austin,ang sarap rin niyang kausap! Iba din ang sense of humor niya,natatawa ako sa mga biro niya.

Maya-maya pa'y nagpaalam na siya pero bago siya tuluyang umalis ay hiningi niya muna ang number ko na kaagad ko ring binigay.Pagkakuha niya sa number ko ay niyakap niya ako tsaka tuluyan nang umalis.

Third person's POV

Hindi maganda ang mood ni Levi nang makauwi siya sa mansion.Nalaman niya kasing tinatraydor siya ng isa sa mga empleyado sa kompanya.

Kaya iniiwasan siya ng mga tao sa mansion dahil ayaw nilang mapagbuntungan sila ng galit ng amo.

Pagkapasok niya sa loob ay rinig na rinig niya ang chismisan ng mga katulong na hindi man lang napansin na nandun siya.

"Ang gwapo talaga ni Sir Nico!"

"Ang swerte talaga ni Gab!"

"Oo nga,pinuntahan pa siya dito para lang bigyan ng pagkain."

"Ano bang meron sa kanila? Bat ang sweet ni Sir Nico kay Gab?"

"Ewan ko rin pero sigurado ako,may gusto si Sir kay Gab."

"Sana all!"

"Pwedeng makisali sa chismisan niyo?" Sarkastikong sabi ni Levi at nagulat ang mga katulong kaya agad silang nag-bow sa kaniya."Tsaka anong sabi niyo? Pumunta si Nico dito?"kunot-noong tanong niya.

"O-Opo Sir."sagot ng isa sa kanila.

"Bakit hindi niyo pinaalam sakin?!" Galit na sigaw niya sa kanila.

"K-Kasi Sir.. n-nasanay na po.. kami sa kaniya na basta p-papasok na lang dito kaya---"

"You! The three of you are fired!"

"P-Pero Sir--"

"Pack all your things and get the hell out of here!" Galit na sigaw niya sa mga ito at nagmadali namang nagtungo ang mga ito sa kwarto nila para mag-impake.

Habang si Levi naman ay galit na naglakad papunta sa hagdan.

Nakita niyang naglakad si Gab patungo sa kwarto nila kaya sinundan niya ito.

Bago pa man makapasok sa loob si Gab ay hinarangan niya na ito.

Nagtataka namang tinignan siya nito.

"Hmm? Excuse me,papasok ako-- aray! Ano ba?!"

Gab's POV

Napahikab nalang ako sa antok na nararamdaman ko habang naglalakad patungo sa kwarto namin.

Papasok na sana ako sa loob nang biglang may humarang.

Napa-angat ako ng tingin at nagtatakang tinignan ko si Levi na ngayon ay madilim ang mukha. Problema nito?

"Hmm? Excuse me,papasok ako-- aray! Ano ba?!" Napadaing ako sa sakit nang mahigpit niya akong hinawakan sa palapulsohan ko.

"So,you enjoyed flirting with Nico huh?" Seryosong sabi nito at bakas sa mga mata niya ang galit na hindi ko alam kung saan galing.

"A-Anong flirting ang pinagsasabi mo? Hindi ko nilalandi si Nico!" Sigaw ko sa kaniya at pinilit na makawala pero sadyang mahigpit siya.

"Ganyan ba talaga kayong mga babae sa probinsya? Kapag may nakilalang mayaman,lalandiin para magkapera?! Magkano naman ang nakuha mo kay Nico? Sinong isusunod mo? Si Austin? Si Axis? Ako?! Alam mo,ang landi mo!"

Hindi ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko dahil nagbagsakan na ang mga luha sa mga mata ko.Hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sakin na halos madurog na ang buto ko kundi dahil sa masasakit na salita na binitawan niya laban sakin.

"Fvck!" Narinig kong mura niya at binitawan na ako tsaka nagmadaling umalis.

"Fvck ka rin! Punyeta ka!" Pagmumura ko habang umiiyak pa ring pumasok na sa kwarto.

©iamellekim












Coffee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon