Third person's POV
Kasalukuyang naglilinis si Gab sa sala at napako ang atensyon niya sa isang family picture.
Nasisigurado niyang family picture ito ng mga Javier dahil nandun si Sir Fernan,Sir Axis at ang bago nitong kaibigan na si Sir Austin bukod sa kanila ay may dalawa ring mga lalaki ang nandun at isang babae na marahil ay ang asawa ni Sir Fernan at ina nina Austin.
Kahit nasa picture lang,mararamdaman mong ang saya-saya nila kaya naman napangiti na rin siya.
Isang ngiti ng pangungulila.. ni minsan kasi sa buhay niya,hindi niya naranasang magkaroon ng kumpletong pamilya.
Maya-maya pa'y tumulo ang mga luha nito na kaagad din niyang pinunasan.
"Ayna apo,Gab..apay ngay ta agsangit ka kit awan mut ti natay." Natatawang pangungusap niya sa sarili.
Trans: "Ayna apo (ilokano expression) Gab.. bakit ka iiyak eh wala namang namatay?"
Pagkatapos nun ay sinimulan niya na ang pagpupunas dito dahil natatakpan na ito ng alikabok na animo'y ilang taon nang hindi napupunasan.Napapaisip tuloy siya kung ano bang pinagkakaabalahan ng mga katulong dito at hindi pa nila mapunasan ito.
Bukod don ay napapaisip din siya sa pamilyang pinagsisilbihan niya.
Hindi naman kasi siya manhid para hindi mahalatang may problema o gap sa pamilya ng mga Javier.
Kung makakilos at magsalita si Axis sa tatay nito parang iba itong tao.Ni matawag na 'papa','tatay' hindi niya magawa.
Tas si Austin naman,tahimik lang.Pagtango at pag-iling lang ang nagagawa niya kapag kinakausap siya ng ama niya samantalang kaninang madaling araw halos walang tigil ang bunganga nito kakadaldal kay Gab.
Sa hindi malamang dahilan,nakaramdam ng awa si Gab para kay Sir Fernan,kailangan pa kasi nitong gumawa ng paraan para lang makuha ang atensyon ng mga anak niya.
Napatigil siya sa pagpupunas sa mukha ng isa pang anak ni Sir Fernan.
Pinakatitigan niya ito at kumunot ang noo niya.
"Anak ba talaga 'to ni Sir Fernan? Anak yata 'to ni Leonardo DiCaprio eh." Sabi niya sa sarili dahil hindi maitatangging medyo kamukha nga nito ang nasabing actor.
Hindi niya nalang ito pinansin pa at tinapos na ang pagpupunas dito pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo para labhan ang mga damit ng pamilya Javier.
---------------
Malalim na ang gabi at halos lahat ng nasa mansyon ay tulog na samantalang nasa garden si Gab at kasalukuyang kausap ang kapatid nito sa cellphone.
Napansin niyang bumukas ang gate at may pumasok na kotse ngunit ipinagsawalang-bahala niya nalang ito dahil nandun naman ang guard ng mansyon upang asikasuhin kung sinumang taong yun.
"Oh,basta Eric ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo pati na rin yung pag-aaral mo."bilin nito sa kapatid.
"Opo ate,wag kang mag-alala,lagi kong tatandaan iyang mga bilin mo."
"Ay dapat lang! Oh,siya malalim na ang gabi,matulog ka na't may pasok ka pa..pasensya na ulit at ngayon lang ako nakatawag."
BINABASA MO ANG
Coffee Prince
Teen FictionLumaking sanay sa hirap si Gabrielle Ramirez kaya hindi maipagkakailang kayang-kaya niya ang anumang trabaho,pang-babae man o pang-lalaking gawain.Kilala siya sa probinsiya nila bilang masipag at palabang babae dahil anumang laban ay hindi niya inu...