Gab's POV
Nginitian ako ng ama ko at inilahad ang kamay sakin.Nanginginig ko naman itong tinanggap at nakipagkamay sa kaniya.
"Nice to meet you Miss Gabrielle." Aniya at pilit akong ngumiti.
"S-Same with you po.." Ani ko at agad na binawi ang kamay ko.
"A-Ah.. I'll excuse myself po." Paalam ko sa kanila at dali-daling naglakad palabas ng mansion.
Nang makalabas na ako ay unti-unti akong nanghina. Napaupo nalang ako at hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
A-Ang sakit-sakit..
Parang dinudurog ang puso ko sa mga sandaling ito.
Sarili kong ama,h-hindi ako nakilala.. and worst,hindi anak ang turing niya sakin..
Kailanman,hindi ako nakaramdam ng inggit sa kahit sino. Pero sa nangyayari ngayon,alam ko na kung anong pakiramdam ng mainggit.
Yung tipong mapapasabi ka nalang na sana ikaw nalang siya. Sana lahat,mahal ng tatay.
Bigla akong napaisip,kung hindi kaya ako naging anak sa pagkakasala,ganun rin kaya ang turing niya sakin? Ituturing rin niya kaya ako na parang ako ang pinaka-iingatan niyang kayamanan sa buhay niya?
Sabi nila,pantay-pantay lahat ng mga tao. Pero bakit pagdating sakin,hindi? Bakit ang unfair?
Napatakip nalang ako sa mukha ko at napahagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman.
"Here." natigilan ako nang may marinig na boses. Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko at tumambad sakin ang isang kamay na may panyo.
Napatingin ako sa kung sino ito at nakangiti ito sakin.
"S-Salamat.." Sabi ko at tinanggap ang panyo tsaka pinampunas ng mga luha ko.
"Why are you crying? Would you mind to share?" Tanong niya.
Natigilan naman ako sa tanong niya.
Sasabihin ko ba?
Muli ko siyang tinignan at base naman sa itsura niya,mapagkakatiwalaan naman siya.
Diba nga,okay lang magkwento sa hindi mo kakilala dahil hindi ka naman nila huhusgahan.
Nginitian ko siya at huminga ng malalim.
"Nagkita kasi kami ng tatay ko.."paninimula ko at nakatingin lang siya sakin."..pero hindi niya ako nakilala. He acted like he didn't know me. Samantalang nagkita naman na kami dati pero alam mo yung masakit? Yung itanggi ka ng sarili mong ama."
"Bata pa lang ako nung itanggi niya ako pero naintindihan ko 'yon. Masakit,Oo. Kaso hinayaan ko nalang kasi umaasa ako na dadating rin yung araw na tatanggapin niya ako bilang anak niya. Pero mukhang hindi,sa ipinakita niya kanina,mas dumoble ang sakit na naramdaman ko. Bakit ganun? Kapag anak ka sa pagkakasala,maraming mga bagay ang ipagkakait sayo. Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan kong maisilang pa sa mundong ito?"
Napatawa ako ng peke at muling napaiyak.
"Ang gusto ko lang namang mangyari ay ang tanggapin niya ako pero bakit hindi niya pa magawa? Bakit?"napatingin ako sa lalaking nandito pa rin sa tabi ko,nakikinig. "Bat nga ba kita tinatanong? Haha,may saltik na yata ako." Kunwaring pagtawa ko at tsaka pinunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Coffee Prince
Teen FictionLumaking sanay sa hirap si Gabrielle Ramirez kaya hindi maipagkakailang kayang-kaya niya ang anumang trabaho,pang-babae man o pang-lalaking gawain.Kilala siya sa probinsiya nila bilang masipag at palabang babae dahil anumang laban ay hindi niya inu...