Gab's POV
Kasalukuyan akong nagkakape ng may tumawag sakin at napalingon naman ako.
"Sir Austin." Sambit ko sa pangalan niya nang makita siyang papalapit sa gawi ko.
"Austin nga kasi." Pagtatama niya nang makalapit na sakin.
Nasa kusina kasi ako ngayon at katulad ng sinabi ko kanina,nagkakape ako dahil mamaya sasamahan ko si Ate Laurie na mamili ng mga basic needs.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Tsk,pa-fall."sabi nito kaya hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"Nagtatanong lang,pa-fall agad?"
"Hehe biro lang,masyado kang seryoso sa buhay."aniya at napatingin sa hawak ko."Ang hilig mo talaga sa kape kaya ang tapang-tapang mo eh."
"Syempre,ayokong nagpapaapi 'no."tugon ko at sumimsim sa kape.
"Pero seryoso?"naiintrigang tanong nito at kunot-noo namang tinignan ko siya.
"Ang alin?"
"Narinig ko sa mga katulong na sinampal mo daw si Kuya Levi kagabi..Totoo yun?"
"Ahh,yun ba?" Tanong ko at tinanguan niya naman ako."Oo,totoo yun,nang-i-insulto eh kaya ayun,sinampolan ko na."maiksing paliwanag ko at hindi na ko nagulat nang tumawa siya.
"Sayang! Bat di mo ko ginising kagabi? Edi sana napanood ko yung away niyo." Ay kasalanan ko bang antukin kayo? Tss
"Hindi naman namin away yun eh,nakita ko kasing sinisigawan niya si Manang Sally tas nakaluhod,nagmamakaawa na wag daw siyang tatanggalin sa trabaho..Naawa ako sa kalagayan ni Manang eh kasi nga matanda na siya tas gaganunin pa? Nawala yung kontrol ko sa sarili ko nang insultuhin niya kaming mga taga-probinsiya kaya ayun,sinampal ko tas pinangaralan ko."mahabang litanya ko at nakangiti naman siyang nakikinig sakin."Wag ka ngang ngumiti dyan!"
"Sus,bakit? Nafafall ka?"tanong niya tsaka ngumiti nang nakakaloko.
"Sus,asa ka pa! Di kita type! Babae gusto ko 'no!"singhal ko sa kaniya at unti-unting nawala ang ngiti niya.
"Oo nga pala,nakalimutan ko,tomboy ka pala."walang emosyong sabi niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang lungkot niya bigla.Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Ate Laurie.
"Gab,tara na." Yaya niya sakin at napatingin naman ako kay Austin.
"Mauna na po kami Sir." Paalam ko sa kaniya ganun din si Ate Laurie kaya umalis na kami ng mansyon para mamili.
----------------
Nasa parking lot na kami nang may makalimutan si Ate Laurie na bilhin kaya iniwan niya muna ako dito.Ibinigay ko na sa driver ang mga pinamili namin at dahil naiinip ako,nagpaalam muna ako kay Manong Dante na maglilibot muna.
BINABASA MO ANG
Coffee Prince
Teen FictionLumaking sanay sa hirap si Gabrielle Ramirez kaya hindi maipagkakailang kayang-kaya niya ang anumang trabaho,pang-babae man o pang-lalaking gawain.Kilala siya sa probinsiya nila bilang masipag at palabang babae dahil anumang laban ay hindi niya inu...