Deanna's POV
"Hey come here. Remember ha, ask your spikers kung anong set ang mas prefer nila para hindi sila mahirpan. You can do it. I believe in you Deanna. Go na! Balik ka na dun!"
Payo ni ate Jia sa akin. Haaaayy, pag nakapasok ako dito, magiging temmate ko si ate Jia. So dapat galingan mo Deanna. Ate Jia believes in you!
"Hey I'm Deanna Wong, anong set ba gusto mo? Para di tayo mahirapan."
Tanong ko dun sa Girl na di pa nakakapalo ng maayos mula kanina
"Oh Hi I'm Jules, Jules Samonte. Uhm, Medyo mababang dikit sa net sana ang set sakin."
Sabi nya at nginitian ako.
"Oh right. Medyo mababang dikit sa net. I'll set the ball to you kagaya ng sinabi mo. Make sure to impress the coaching staffs ha? We can do this! Makakapasok tayo!"
Bulong ko sa kanya at bumalik na sa pwesto ko para makapalo na sya.
Nginitian muna nya ako bago ibato ang bola sa akin. Iseset ko yung bola ng kagaya ng sinabi nya sa akin. Medyo mababang dikit sa net. Medyo mababang dikit sa net.
Nag focus ako at nirelax ko ang buong katawan ko. Nung nasa itaas ko na ang bola, tinignan ko ang spot na pagsesetan ko at ng mahawakan ko iyon, ibinato ko ito doon at sya namang pinalo ni Jules.
*BOOM!*
Natahimik ang lahat ng tao sa Gym. Masasabi ko ding lahat sila ay nakatingin sa amin. I mean kay Jules.
The spike was a bomb. Baon! Tsaka ambilis pa nung bola nya. Nakaka proud!
Tinignan nya ako at nginitian ulit.
"Thank you Deanna. Ang galing mo!"
Sabi nya at nagtatalon sa sobrang saya. Hahahaha nakakatuwa, ang likot nya
"Hahahaha ang galing mo nga rin eh, o sya. Marami pa akong sesetan hahahaha"
Pinulot na nya ang bola nya at napatingin naman ako kay ate Jia.
Sobrang laki ng ngiti nya. Pinalakpakan nya ako at nag thumbs up pa. Nag mouth din sya ng 'keep it up' that makes me more confident from what I'm doing.
So ayun, ginawa ko ito sa lahat pa ng papalo. Tinanong ko sila at sineset ito sa kanila gaya ng kanilang mga hiling. May ilan lang talaga na di napapalo yung mga set ko kaya inulit ulit ko ito hanggang sa makapalo din sila ng maayos. Feeling ko kasi kapag nag error ang spiker, nag error na din ako. Ang nasa isip ko baka siguro sila nag error kasi pangit set ko.
Natapos ang free spiking at pinag water break kami ng saglit. Nung bumalik ako sa bleachers para uminom ng tubig, may mga players na isa isang pumapasok sa BEG. I dont know pero I think mga PVL players? Medyo mga Pro na sila tignan eh. Tsaka sa pagkakaalam ko kasi Coach din dun si Coach Tai. Kaso I dont know the Team eh. Whats that team na nga?
So yes, unti unti nang naingay dito sa Gym dahil dun sa mga narating na mga senior. Pero di ko nalang sila pinansin. Ang nasa isip ko ngayon is yung next namin gagawin. Nakakakaba.
Im drinking my water when someone approached me. Oh, its Jules.
"Hey Deanna."
"Yow wassup?"
Napansin kong may kasama syang isang babae, pareho silang nakangiti sa akin. Namumukaan ko eh, sya yung halimaw mag cross court kanina nung free spiking.
"Uhm Denna this is Jho. Jhoana Maraguinot. Bago din sya dito sa Ateneo 4th year. Ako din bago dito eh. 4th year na rin ako. Im from UST talaga before."