Chapter 12 - Alien

1.2K 50 1
                                    

Jema's POV

"Jema umayos ka! Bakit ba ganyan ang ginagalaw mo?!"

Sigaw sa akin ni Coach Migs. Kanina pa ako nya ako pinapagalitan..

"Sorry Coach, masakit lang po talaga tong siko ko."

Sabi ko sa kanya. Nung nabunggo ko kasi si Deanna, yung elbow ko yung unang tumama sa sahig kaya di ako ngayon makapag laro ng maayos kasi parang di ata napaganda yung bagsak ko.

"Pakita nga ako. Halika rito."

Sabi nya kaya lumapit ako sa kanya at pinakita sa kanya yung siko ko.

"Namamaga nga. Ano bang nangyari dito?"

Tanong nya.

"N-nadapa lang po ako kanina Coach."

"Ay sya sige, magpahinga ka na muna dun sa bleachers. Sabihin mo lang pag sa tingin mo ay kaya mo na makapag laro. Pero kung di mo kaya, wag mo na ipilit kasi baka mas lalong sumakit. Bukas ka na magtraining. Ipapaalam ko nalang kay Coach Tai."

Sabi nya sakin. Nagpasalamat nalang ako sa kanya tsaka pumunta na sa bleachers para ipahinga yung siko ko.

Tinignan ko ito at namamaga nga yun. Medyo nagiging pasa na din.

Wala akong choice kundi manood nalang ng training nila kasama ang Lady Eagles. Nasa kabilang side lang yung Ateneo kaya naman nakikita ko lang din sila dito.

Habang nanonood ako, may napansin ako.

"Sino yung babaeng kapit ng kapit kay Deanna?"

Bulong ko.

"Bakit selos ka--"

"AAAAHH! PUTCHA NAMAN BAKIT KA NANGGUGULAT!"

Sabi ko dito kay Ced na halos mamatay na sa katatawa kasi nagulat ako. Water break pala nila kaya sya nandito. Shit baka narinig nya yung sinabi ko tsaka iba yung isipin nya!

"Narinig mo ba?"

"Alin? Kung sino yung babaeng kapit ng kapit kay Dea--"

Bakit ba napaka daldal nitong kaibigan ko na to? Bago pa nya masabi yung pangalan ni Deanna ay tinakpan ko na yung bibig nya.

"Shhh! Wag ka ngang maingay! Baka marinig tayo nila ate Ly!"

Pinagtawanan muna nya ako bago ko bitawan yung bibig nya.

"Anukaba. May malisya ba don?"

Sabi nya habang nagtatawa. Meron nga ba?

"W-wala naman.."

"Eh wala naman pala eh HAHAHAHA! Bakit ganyan ka maka react?"

Sabi nya at napatingin naman ako ulit sa gawi nila Deanna.

Bakit nga ba ganito ako maka react?

"Ewan ko din. Di kasi nakakatuwa yung babaeng kapit ng kapit sa kanya. OA na eh--ARAAAYY! BAKIT MO BA HINAWAKAN SIKO KO?!"

Sigaw ko sa kanya pero pinagtawanan lang nya ako.

"Ah yung parang linta gHorl?! HAHAHAHA Ginigising ko lang yang diwa mo. Chinecheck ko kung manhid ka ba"

Bakit naman ako magiging manhid?

"Anong kulay nito?"

Tanong nya sakin at tinuro yung balat nya.

"Brown?"

"Oh di ka naman pala bulag eh, di ka rin naman manhid."

Sabi nya sakin. Ano ba pinagsasasabi nito?

AstronomyWhere stories live. Discover now