Jema's POV
After training, nag shower na muna kami bago tuluyang umuwi. Kami ang naunang natapos sa training kaya di masyadog punong ang shower room tsaka mas mabilis kaming natapos kasi for sure matatapos na din ang Ateneo any minute now.
"Bes pasabay ako sayo. Di ko dala car ko eh."
Sabi sa akin ni Ced at sumunod na sa akin sa carpark. Jusko wala namang bago dun kasi di nya naman lagi dala yung kotse nya.
"Kelan mo ba dinala yun? Tamad ka kaya magdrive"
Sabi ko at inirapan sya. Well, di nalang naman nya pinansin yung sinabi ko at sumakay na sa car ko. Hahahaha sanay na din ako dyan tsaka halos everyday naman kami ganito kasi magkalapit lang ang office namin.
Anyways.. nung naihatid ko na si Ced, nagpaalam na sya sakit at tuluyan naman na akong umuwi sa condo.
"Kamusta training?"
Salubong sakin ng kapatid ko habang nakain.
"Okay lang. Ganun parin, nakakapagod"
Sabi ko at ibinagsak ang sarili ko sa couch at tumabi sa kanya.
"May pupuntahan ka ba bukas?"
Tanong pa nya. Aba? Ang random naman nitong batang to.
"Wala naman. Bakit? May kailangan ka noh?"
Natatawa kong sabi sa kanya. Sobrang rare nya kasi eh hahahaha.
"Ilibre mo naman ako. Nastress ako sa first week eh. Sige na"
Sabi nya at kumapit sa kamay ko tapos nag pout pa na parang nagpapaawa. Hahaha anobayan. Sabagay first year nga pala to. Baka na frustrate sya sa first week of college.
"Hahahaha. Huwag ka nga mag ganyan, di bagay sayo. Gala nalang tayo sa MOA bukas."
Sabi ko at nangningning naman ang mga mata nya.
"Yehey! Libre mo?"
"Aba! Lakas mo naman!"
Sabi ko at tumayo na. Pinagtawanan nalang naman ako nito. Jusko epal talaga.
So ayun, nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa kwarto ko. As usual, ginawa ko na ang night rituals ko at nagpalit ng damit para comfy na.
Pagkatapos, humiga na ako sa kama ko at nag buntong hininga.
Shit sobrang ginhawa. Sobrang pagod din kasi ako.
*beep*beep*
Habang nakatunganga ako sa kisame ng kwarto ko, bigla naman nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko to agad at tinignan kung ano iyon.
deannawongst liked your post
Oh...
Medyo na shock ako kasi we dont follow each other naman tapos may nilike sya na post ko.
Hmm..
Since wala naman akong ginagawa ngayon, naisipan kong istalk nalang sya.
Scroll... scroll... scroll...
Intertaining..
Nalaman kong malapit pala sya sa family nya tsaka sa team cause parang sila yung isa sa mga laman ng posts nya. Her friends are also seems so fun to be with. Sa mga comments palang nila sa posts ni Deanna eh nakakatuwa na hahaha.
And the things i found out kay Deanna is she's so baby face. Cute. I mean.. Very cute hahahaha! Seriously speaking here. She's so cool pati pagdating sa mga outfits. Parang lahat ng damit ay bagay sa kanya. Laging fresh. And ber body ugh.. its so... sexy.