Deanna's POV
"Grabe para tayong nasa outer space HAHAHAHA!"
Namamanghang sabi ni Ponggay nung nakapasok na sila dito sa Unit ko. By the way kadarating lang namin kasi bumili pa kami ng mga makakain at maiinom.
"Kung ako lang siguro nakatira dito, araw araw siguro akong tulog. I mean, grabe sobrang relaxing tapos ang linis pa."
Sabi din naman nitong si Bea habang tinitignan ang mga astronomy figures ko.
"Maski naman di ka dito naka tira lagi ka parin tulog."
Pambabara naman sa kanya ni Maddie at nagtawanan naman kami. Grabe lagi syang roasted kay Maddie eh HAHAHA
"What more pa kaya pag nakapasok kayo sa kwarto nya sa bahay nila"
Pagsingit naman nitong si Caloy. Really? Pati ba naman yun isabi pa nya jusko. Sobrang daldal talaga hahahaha.
"Ang daldal ha."
Sabi ko at nagtawanan nanaman sila.
"You really like astronomy talaga noh?"
Pagtatanong naman sa akin ni Dani. Ganun na ba kahalata? hahahaha
Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Bea.
"Di naman masyadong halata noh Dani."
Panloloko nya. Grabe sobrang bully nila HAHAHAHA. Para silang magkapatid.
"Whatever Bea"
Sabi nalang nya at inirapan si Bea na ikinatawa nanaman namin. Walang hanggang tawanan ata ang magaganap ngayon ah.
Nilapag na namin yung mga binili namin para sa mini party namin ngayong gabi, dalawang Jack Daniels tsaka ilag packs ng juice para sa chaser.
Hinanda na namin ang uupuan namin at nagluto na rin konting foods para mas mapasarap ang kwentuhan.
Nung natapos na kami sa paghahanda, nagpalit muna ako ng damit para comfy. Then after, isa isa na kaming umupo sa sa living room.
"May speaker ka deans?"
Tanong ni Ponggay pagdating ko.
"Meron kaso lowbat. Ichacharge ko pa, okay lang ba?"
Tanong ko sa kanya bago ako tuluyang umupo.
"Ay sige wag na, magkantahan nalang tayo, may guitar ka naman diba? nakita ko kanina sa room mo eh hahahaha"
Sabi nya at nag sipag-ayunan naman sila. Jusko papakantahin nanaman nila ako.
Kinuha ko na yung gitara ko then binigay ko ito kay Caloy, gusto ko lang muna kumanta ngayon, bahala silang tumugtog hahahaha.
Nagsimula ang session namin at napapalalim na din ang kwentuhan namin.
"May mga Jowa ba kayo?"
Pagtatanong ni Caloy nung wala na kaming maitopic. Nagtinginan naman yung apat na ikinatawa naman naming lahat, mukhang may mga tinatago eh hahahaha.
"Ang ganda naman nung sagot nyo HAHAHAHA!"
"Actually si Ponggay lang naman ata ang alam kong may Boyfriends sa amin eh, Ewan ko lang sa kanila baka nag sesecret na samin hahahha"
Sabi naman ni Bea na ikinagulat ko. Akala ko kasi taken na silang apat hahahhaa.
"Baka naman kasi girlfriend ang nais"
Mapanlokong sabi ni Caloy. Oops. Hahahaha naisip ko din yun eh.
"Labas ako jan hahahaha, may boyfriend ako"