Deanna's POV
"Her. Fhen, meet Deanna Wong. My girlfriend."
Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Teka, pinakilala nya ba ako dito sa taong nasa harap namin as her girlfriend?
Oh Lord God.
Napatingin ako sa kanya at binigyan nya naman ako ng 'sumakay-ka-nalang-look'. Na gets ko agad ang mga pangyayari kaya naman maski hindi ako magaling sa pagsisinungaling ay gagawin ko ang best ko kasi hindi maganda ang pakiramdam ko dito sa taong nasa harap namin ngayon. Ito na ata yung ex nya.
"Hi! Yeah oo g-girlfriend nya ako.. Anong kailangan mo sa kanya? Sino ka?"
Sabi ko at nakipagtitigan dito sa taong nasa harap namin.
"Ey chill.. Im Fhen. Ex ako ni Jema. Deanna right? Nice to meet you. Pero hindi ako naniniwalang girlfriend mo to."
Sabi na ay tinignan ako ng masama. Luh, puta mukang unggoy. Pwe!
"Why wouldn't you? Love sabihin mo sa kanya na totoong girlfriend kita!"
Sabi naman ni Jema at tinignan ako ng 'sakyan-mo-na-I'll-explain-later-look'
"Y-yeah! Love? Love! She's tellong the truth bro. We're real."
Sabi ko. Wala na ako ibang maisip so inakbayan ko nalang si Jema para mas effective at mas totoong tignan.
"Oh.. Okay. Sige na nga. Susuportahan ko nalang kayo. Susuportahan kita Jema as long as masaya ka."
Sabi nya at tumingin kay Jema. Uminit ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. At talagang proud pa sya na Ex sya ah? Tsaka ano yun? Fhen? Bantot ng pangalan nya! Pwe!
Pagkatapos nya iyon sabihin, tumingin naman sya sa akin
"At ikaw, siguraduhin mong hindi mo sya sasaktan--"
"Hindi ko gagawin ang ginawa mo sa kanya. Yeah, di mo na kailangan iremind ako kasi alam ko ang ginagawa ko, Miss."
Seryoso kong sabi kaya naman nanahimik na sya.
"Thats good tho. Hindi ko kayo guguluhin kasi kung masaya naman sayo si Jema, bakit ko pipigilan yung kasiyahan nya diba? Pero know thay nobody is perfect bro. Alam kong masasaktan at masasaktan mo sya--"
"Fhen Enough! Mauuna na kami ni Deanna. May pupuntahan pa kasi kami eh. Ingat ka."
Malamig na sabi ng babaeng katabi ko ngayon at hinila na ako palabas ng MOA.
I dont know pero sa sobrang bilis namin maglakad, ilang minuto lang ay nakarating kami sa seaside namin. Yeah 'namin'. Amin lang to. May balak nga akong bilihin tong lote na to eh. Someday...
Nung nakaupo na kami, nagsalita sya agad.
"Sorry."
Sabi nya at yumuko. Ramdam ko yung lungkot sa boses nya. Shems..
"For what?"
Sabi ko at tumingin naman sya sa akin.
"Nadamay ka pa. Yun nalang kasi yung naisip kong palusot para matakasan ko sya eh."
Sabi nya at yumuko ulit.
Napabuntong hininga ako dahil dun. Okay lang naman sa akin. Walang malisya don.
"Its okay.. Atleast mission success diba? Galing ko ba umacting?"
Nakangiti kong sabi at inangat yung ulo nya. Napangiti din naman sya.
"Yeah.. it kinda felt real."
"Sorry what?"
Di ko kasi narinig yung last nyang sinabi eh.