Deanna's POV
"HAAAYY KAPAGOOD MEENN!"
Sigaw ni Ponggay habang nakahiga dito sa tabi ko.
Katatapos lang ng 4th day of bugbugan and guess what? Friday na bukas. Ngayon ay nakahiga kaming lima dito sa gitna ng court habang nagaayos naman at nagiimpis na ng gamit yung iba naming kasama.
"Grabe si Deanna parang hindi lang napagod hahahaha! Ako yung napapagod sa mga pinapagawa sayo simula nung first day eh! Fresh parin!"
Sabi ni Bea at sumang ayon naman sa kanya yung iba. Mukha ba akong hindi pagod? Di ko na nga maigalaw mga paa ko eh.
"Anong di pagod. Kung alam nyo lang yung nararamdaman ko ngayon hahahahaha"
Sabi ko at pinagtawanan nalang nila ako.
Inaamin ko nakakapagod nga talaga grabe. Sinisimulan namin ang araw namin ng morning training. Dun palang sa paggising ng maaga nakakahaggard na hahahaha. Tapos pumasok kami maghapon syempre dahil di pwedeng hindi kami magaral, after ng nakakastress na pagaaral diretso nanaman sa training. Yan ang gawain namin ng magsimula na ang training.
Grabe sobrang hirap talaga maging student-athlete. Saludo ako sa mga kapawa kong studyanteng napagsasabay ng maayos ang paglalaro at pagaaral.
Anyways! Iba pala talaga ang training ng mga setter. Well mahirap din naman ang training ng ibang mga position pero iba parin talaga ang setter. Kasi ang setter pwedeng nyang gawin ang lahat. Basta alam nyo na yun.
"Hoy tumayo na kayo jan at tumulong na kayong mag ayos! Para makaligo na kayo agad at makapag pahinga!"
Sabi ni Maddie sa amin dahil kami nalang pala talaga ang mga hindi nagalaw dito mula ng matapos ang training.
Simula nung first day, mas lalo ko pang naka close yung apat pero syempre naka close ko na din yung iba naming teammates like Jho, Jules, Ria and many more.
Nalaman ko din na magaling nga talaga sila dito sa sport na to as in. Lalo na si Maddie and Bea. Makikita mo sa kanila yung leadership tsaka yung pagiging pursigido nila. Kaya pala sila yung laging inuutusan pagdating sa team kasi sobrang responsable nila.
Akala ko kasi dati paloko loko lang ito sila lalo na si Bea HAHAHA lol
"Guys una na ako magshower, para makapag pahinga na din."
Sabi ko at tumango nalang sila.
After ko magayos ng gamit, dumeretso na ako sa shower room at mukhang kaunti nalang sila doon kasi medyo tahimik na. Knowing this team, sobrang ingay namin.
Narinig kong may naguusap sa loob. Parang private yung pinaguusapan nila kasi halos bulungan lang kaya di muna ako pumasok at nagstay dun sa gilid ng CR.
"Eh kasi naman. Sobrang bait nya sakin. Sobrang caring din. And then this past few days nagising nalang ako na nahanga na pala ako sa kanya. Or should I say gusto ko na nga ata sya eh. Jules.. gusto ko na si Bea shit."
Okay I didn't saw that coming. Is that Jho talking to Jules? And did I heard it right? May gusto si Jho kay Bea? Oh my Goodness.
Pumasok ako sa CR na may nakakalokong ngiti.
"You like who?"
Nakakaloko kong sabi at mukhang nagulat naman sila sa pagpasok ko kaya naman para silang nakakita ng multo sa kaba HAHAHAHA!
Hindi sila nakasagot kaya nagsalita ulit ako. Wala ng hiya hiya dito hahaha close na kami eh.
"You like Be--"