"Ate"
"Ateeee"
"Ateeeeee!"
"ATEEEEE GIGISING KA BA O BUBUHUSAN KITA NG MALAMIG NA TUBIG?!--"
"AY TUBIG! ANO BA MAFE"
Kagigising na sigaw ko sa kanya. Ano ba naman yan, natutulog yung tao eh.
"Magpapaalam lang sana ako, tulog mantika ka naman masyado eh"
Sa halip na sagutin sya, tinignan ko lang sya ng cold.
"Titignan mo na lang ba ako? sige na ateee, si Eya kasama ko. Kakain lang kami tsaka gagala"
Pagmamakaawa pa nya.
"Sa tingin mo natutuwa ako na ginising moko? Jusko Mafe 8 palang eh. Dapat nag iwan ka nalang ng letter."
Sabi ko at humiga ulit tsaka nagtalukbong.
"Sabi ko nga, hehe. So ano? Papayagan mo ba ako or what?"
"Umalis ka na. Ang tanda mo na para magpaalam. Tsaka nasa tamang edad ka naman na para magdesisyon para sa sarili mo."
Napatahimik naman sya. Masakit kaya yung mga sinabi ko? Nakaka konsensya tuloy.
....
"Sabagay, matanda na nga ako. Magdedesisyon nako para sa sarili ko ha. Sabi mo yan ha. Walang bawian. Period."
Sabi nya tsaka tumayo palabas ng kwarto ko. Aba.
Tinanggal ko ang talukbong ko at umupo.
"At saan ka pupunta?"
Mataray na tanong ko sa kanya.
"Ewan. Oo nga pala, gagabihin na ako umuwi."
Habol pa nya bago sya lumabas ng kwarto ko.
"At baket?"
Naka taas kilay kong tanong sa kanya.
"Anong baket ka jan? Matanda na ako at nasa tamang edad nako para magdesisyon para sa sarili ko."
Sabi nya at talaga namang ginaya pa nya yung way ng pananalita ko. Bastos.
"Oh sya, alis na ako ate ha. Nasa baba na si Eya. Ienjoy mo na tong huling araw mo dahil papasok nanaman tayo bukas. Babyeee!"
"Hoy! kinakausap pa kit--"
*bogsh* Tunog ng pintong lumagapak.
Napahinga nalang ako ng malalim at humiga ulit.
"Ano bang pwede gawin?"
Tanong ko sa sarili ko at pinagmasdan ang kwarto ko.
Ang kalat.
Masukal.
Maalikabok.
"Maglilinis nalang ako."
Agad akong tumayo at ginawa ang morning rituals ko.
Pagpasok ko sa banyo,,
Ambaho.
Ang kalat.
Kadiri.
PoTa.
Naghilamos muna ako at inuna ko na linisin ang banyo. kinuskos ko ang sahig at pader. Nilinis ko na rin ang bowl at pinagsama sama ang mga shampoo, sabon, napkins at iba pa.
Natapos akong linisin ang banyo at napatingin nalang ako sa salamin at napangiti.
"Sarap sa feeling."