Jema's POV
"Good afternoon Ms. Jema. My classes are done and pwede ka na pumunta dito for our meeting. Sa faculty ako matatagpuan. I cant reply na after this, lobat na ako eh. Sorry. Ingat and Godbless."
Thats the text I recieved from my client sa Ateneo kaya pagkarecieve ko nun ay agad na akong nagayos ng gamit para makaalis na agad ako.
Habang nagaayos ako, may bigla namang kumalabit sa akin na naging dahilan ng pagkagulat ko.
"Uy Jema!"
"Ay Jema!"
Kinginang to. Tinawanan pa ako! Epal din to eh.
"HAHAHAHAHA! Gulat na gulat?"
Sabi nya at tinawanan pa ako lalo. Ah saya ka?
"Ano ba naman Felix! Di nakakatuwa ha! Ano ba kailangan mo?"
Thats Felix Cruz. Isa sa mga officemates ko dito sa work ko tsaka close friend din namin ni Ced. Minsan nga eh napagkakamalan syang bakla kasi kami lagi ang kasama nya. Pero hey, may itsura sya ah. Matalino, masipag, matangkad, tsaka happy go lucky person. Sobrang kuliiit! Pero caring. Lalo na sa friends nya na mga babae. Namatayan kasi sya ng kapatid na babae kaya ganun nalang siguro yung pagiging maalalahanin nya sa amin. Boyfriend figure. Pero walang jowa. Ewan ko ba dito, di ata naghahanap eh.
"San punta mo? Aga mo naman umalis!"
Pagtatanong nya. Sinabi ko naman sa kanya na may bagong binigay sa akin na client yung boss namin kaya nagets naman nya agad. Nakipag chitchat lang ako sa kanya ng saglit tapos nagpaalam na din ako agad kasi baka malate ako sa pupuntahan ko.
Andito ako ngayon sa Ateneo. Sa Marian Walk to be exact. Nakaupo ako sa isang bench na para bang batang nawawala. Bakit ba kasi pumunta ako dito ng walang kaalam alam? Sana sineach ko man lang kung saan yung faculty. Sa sobrang laki nitong school, parang aabutin ako ang kinabukasan kung iisa isahin ko pa ang mga building dito. Nakakahiya namang mag tanong kasi wala akong kakilala na dito.
Oh wait...
Meron pala..
Mas mabilis pa sa alas kwatro kong kinuha ang calling card ni Deanna at agad itong tinext.
"Hi Deanna. This is Jema. Nandito kasi ako ngayon sa ateneo at di ko alam kung saan ang way papunta sa faculty. Pwede mo ba akong samahan?"
Ay erase erase! Masyadong straight to the point at walang hiya.
"Hi Deanna. This is Jema. Pwede bang makisuyo? I need you kasi eh."
Masyadong malandi! Erase!
"Hi Deanna Wong. This is Jema Galanz--"
Maayadong Formal! Ugh!
Kapag ako nainis tatawagan ko nalang to para there's no turning back.
Joke.
"Hey.. This is Jema. May ginagawa ka ba ngayon?"
Okay na siguro to. Casual lang.
Sinend ko yun agad and surprisingly, sobrang bilis nung reply nya.
"Oh hi Jema. Di ka naman siguro na wrong sent noh? Btw, I'm free. What can I help?"
Yeeeeyy!
"No, di ako na wrong sent hahahaha. Nasa ateneo ka ba ngayon? Di ko kasi alam kung saan ang daan papunta sa Faculty eh. Magpapatulong lang sana ako sa ways. May imimeet kasi akong client eh."
Sana nandito sya huhuhu.
"Yeah I'm here. Nasaan ka ba? Para makapunta na ako jan."
Thank Gooodd!