Kabanata 5

8 3 0
                                    

Hailey's POV

July. Ngayong buwan ang botohan para sa mga tatakbong bagong student council this school year. Kaya naman abala ulit ang mga studyante lalo na sa mga tatakbo.Sa dami ng gustong tumakbo ay limang partido ang nabuo. Mga gustong mag lingkod daw sa kapwa, sige. Syempre hindi ako sumali kahit pinilit nila ako, saming mag kakaibigan ay si pia ang nag lakas loob na tumakbo bilang secretary.

kasalukuyang nag didisscuss si sir Jenard nang may kumatok ng tatlong sunod-sunod.

"Good morning sir, kami po ang unang party. Mag papakilala lang po sana kami kung ayos lang." nakangiting bungad nung magandang babaeng matangkad, medyo brown ang buhok nito na wavy ang style, maganda, tangines na insecure nanaman ako sa sarili ko, yikes! haha:(( 

Pinapasok naman sila ni sir. Kaya nag sisunudan ang mga kasama niya. Madami silang tumayo sa harap, tinignan naman nung babae kung kumpleto na bago ito mag salita. "Wait, asan si Raiven?" medyo kinabahan naman ako bigla, kasali siya? ohhh?! dumoble ang kabang naramdaman ko nang biglang pumihit ang doornab at iniluwa nito ang taong hinahanap nung babae. Mygad ang gwapo.

Nag lakad ito sa... harap? wao!

"Good morning, my name is Raiven Delgado.. from grade 11A,running for the position of president." nakayuko niyang sabi. Akala naming lahat na yon lang ng bigla itong nag angat ng tingin at......






NGUMITI




WAIT MY HEART! MAH SOUL EMEGED!

Nagtilian ang malalandi kong mga kaklase at iiling-iling naman ang mga lalaki, tss. Syempre dapat di halatang kinikilig ako kaya yumuko nalang ako, ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko, ang gwapo lalo gago! bat siya ngumiti?!! dadami kaagaw ko, nooooo

sunod ay ang babaeng kumatok kanina. Nilagay niya muna ang takas na buhok sa likod ng tenga at ngumiti ng pag katamistamis.

"Hello everyone!! my name is Kate Rosalez, from grade 12A running for the position of  vice president. Inaasahan ko ang inyong boto at nangangakong hindi tayo mahuhuli sa uso." sabi niya at nag flying kiss sa mga kaklase kong lalaki, tss, lande.

Hindi ko na pinansin ang iba at ng doodle nalang ng kung ano ano sa notebook ko, letse kairita yung mga pabebe nilang boses habang nag papakilala.

Gusto ko ako lang ang gusto....

Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses na yon at PAKING SHET! ANG GWAPO!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAA

Nag hiyawan ang mga nandon dahil sa panimulang kanta niyang yon, swear! kahit isang line lang ang ganda ng boses huhu!
Humirit pa ang mga tao don na kantahin niya ng buo ngunit ngumiti lang ito at lumabas ang mag kabilang dimpleeeeeeeee!! kyahhhh!!! kung sino ka man IKAW LANG DIN ANG GUSTO KOOOOO, luh harot HAHA, namula ako sa sarili kong isipin, at shet na malagket! tumingin siya sa gawi namin, hindi... SAKIN!!!HUHUHUHUH ANG GWAPOOOOOOO!!! grabe yung puso ko ang lakas ng tibok, tena kahit kanino tumitibok, HAHAH parang tanga to!! nakangiti siya!!!!!! kaya naman.....eto na ang chance....,

KININDATAN KO HAHAHAHAHAHAHAHA

tumawa ito at halos himatayin na ang mga babae at binabae na nandon, gago lalo na ko! yung inhaler ko asan na?!! akin na putangina!!!!!

"Im from grade 12A, running for the position of sargent at arms, Zion Bilionez. At your service." yumuko pa ito na parang isang gentleman, AHHHHHHHHH

Natapos ang tatlo pang nag pakilala pag tapos ni Zion at nag salita muli si Raiven. Nag taas ng kamay si Aron, at pinahintulutan naman itong mag salita. "Sa apat na party, ano ang pinag kaiba niyo sa kanila?" napuno ng Oh's and woh's ngunit hindi natinag si Raiven.
"As you can see, pangalan palang iba na. Layunin ay iisa, but really I don't care if you guys won't vote us, and i believe that's even better."

Nag taas ng kamay ang katabi kong si Vystan, kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Nagulat ako nang itaas niya naman ang kamay ko. Pinandilatan ko siya nang mata pero ang mokong tinawan lang ako. "Eto daw pong si Hailey may tanong." tumayo na ko at inapakan ang paa ng hinayupak, letse nakakahiya

"uhmm.." tinignan ko sila isa-isa mula kay raiven hanggang nahinto kay Zion.
"Goodluck!" nakangiti kong cheer, ayan letse nag ayie sila HAHAHAHA, nakita ko namang ngumiti si Zion kaya mas lalo akong napangiti

"This is a serious matter, if you don't have something important to say or ask, sit down and shut up." natuon ang pansin sa kanya ng lahat ng sabihin yon at galit na nakatingin sakin, luh nu ginawa ko sayo? epal amp. Naupo nalang ako at inirapan siya. Tss.

Natapos ang tanungan at nag salita nanaman ang letseng si Raiven
"Please vote wisely.." at wow! sinabi niya yon habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, puta di kita bobo tanga, ang epal mo hayopppp! inirapan ko ulit siya
"Thank you." nag vow sila at lumabas na.

tingggggggg tingggggggg tingggggggg

Angelus.

Tumayo kaming lahat, itinigil ang ginagawa at nakisabay sa dasal, yes lunch naaaaaa!

"Tara canteen!" yaya ng chingchong na si Yuri, agad naman naming sinang ayunan iyon at bumaba na. Habang papunta kami sa canteen ay kabilaan ang mga mag on na naglalampungan, kadiriii
"Yuck.." sabi ni Pia habang nakatingin sa mag kasintahang halos mangisay na parehas sa kilitian.
"Get a room!" parinig ni Sam, isa sa mga kaibigan na ina naming lahat, why? inaasikaso niya kami, tinataliian ng buhok, minsan doble yung baon niya para samin haha! pero di kami buraot siya mismo nag bibigay. Nakikitawa lang ako sa kanila, mahirap ng gatungan dahil ako mismo nandidiri sa mga salitang bigla bigla nalang lumalabas sa bibig ko. Papasok ng kami ng canteen ng biglang may nag takbuhan na mga kalalakihan palabas, naiwasan namin ang mga nauna pero kung minamalas ka nga naman.

blagggggg

parehas kaming natumba, pumaibabaw siya. Naramdaman ko ang palad niya sa kaliwang dibdib ko,shet! tinignan ko kung sino yon.

"Raiven?!!!!" halos mamilog din ang mga mata niya habang nag papabalik-balik ang tingin sa dibdib ko at sakin, ANAK NG PUTA NAMAN!!!!nasaksihan ko ang pagpula ng buong mukha niya, agad siyang tumayo at hindi makatingin saking nilahad ang kamay niya upang tulungan ako.

Hinawi ko iyon at binigyan siya nang napakalakas na sampal sa kanan niyang mukha. Sa gulat niya ay di siya nakakilos agad, humarap ito sakin at hindi parin makapaniwala sa sampal ko, dinaanan ko siya at sinadyang bungguin.

Hindi halos ako makakain sa nangyari kanina, ramdam ko parin ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko, kadiriiiiiiiiiiiiiiiiii
"Hailey, okay ka lang ba?" napatingin ako sa nag salitang si Yuri, napatingin ako sa kanilang lahat na halatang nag aalala sakin
"Kanina mo pa pinag lalaruan yang pag kain mo.." dagdag ni Pia, ngumiti ako sa kanila at tumango

"Ayos lang akoo. Promise!" masigla kong sabi, hayssssss!

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon