Kabanata 6

9 3 0
                                        

Hailey's POV

"Do you guys already have a course in mind?" tanong ni miss, esp time ngayon and yep aga-aga kumakain na 'tong si Vystan sa tabi ko. Nanaman, oo. Nag simulang mag kwento si miss kung pano niya nahanap at patuloy na hinahanap ang gusto niya.

"Hindi ko talaga akalaing magiging teacher ako, wala sa pamilya namin ang pag tteacher dahil puro sila negosyo.Oo hindi kami mahirap, hindi rin mayaman, tama lang siguro. " Nakangiting kwento niya habang tila inaalala ang nang yari, nag lakad lakad ito at nag patuloy. "Isang araw pag gising ko, biglang gusto ko nalang mag turo, meron sa sarili kong nag push na subukan ang pag tuturo, kaya naman sinubukan ko at heto, i must say ang say ko lagi pag nagtuturo." oo nga miss, halata naman palagi siyang nakangiting papasok, nakangiting lalabas, nakangiting mag sasaway. Nakicreepyhan na ko minsan pero bagay naman sa kanya.

"What my point is.. matuto kayong obserhan ang sarili niyo, hindi puro ibang tao dahil wala namang maiaambag yon sa pagiging kayo. Kung saan kayo masaya at alam niyong sasaya kayo, ipush niyo... dahil minsan pag ginawa mo ang isang bagay ayon sa kagustuhan ng iba, sigurado.... hindi magiging maganda ang resulta."

"What can you say about that Miss Martinez?" nagulat ako nang nasa likod na pala si miss, nakangiti ito sakin at tila ba hinihingi talaga ang opinyon ko. Dahan-dahan akong tumayo at sumagot.

"Para sakin..." huminga ako nang malalim at tumingin sa sahig, biglang bumigat ang pakiramdam ko, naiiyak ako na ewan
"ang paggawa ng hindi mo gusto ay hindi talaga maganda sa pakiramdam at sa isipan, ngunit kung wala ka nang pag pipilian ay pumikit ka na lamang , gawin ang dapat gawin at tanggapin ang dapat tanggapin." nakakabinging katahimikan ang bumalot sa room kaya nag angat ako nang tingin sa kanila at nakatingin sila sakin na animong pinag aaralan ang lahat sa akin.

Pumalakpak si miss.

"Nice answer Miss Martinez, you may now take your sit." nag paalam na si miss at sinabing hintayin ang susunod na teacher.

Lunch time at sinabi ko sa kanilang mauna na dahil busog pa ko kagaya ng sinabi ko sa kanila kanina nung nag recess, nasa room lang ako kanina ngunit maingay don kaya ngayong lunch ay dito ako sa library pumunta. Tahimik at wala ganong tao dahil nga lunch. Kumuha ako nang malaking libro at di man lang nag abalang basahin kahit title non. Umupo ako sa pinakadulong table at nag head down, pinikit ko ang mga mata ko nang nag simula ang madilim na ala-ala ng kahapon.

~flashback~

"Hailey,....believe me. I am so so sorry. Please,....please,, forgive me." pagsusumamo sakin ni Katana, aamba siya sakin nang yakap ngunit umatras ako, mas lalong namula ang mga mata niya, hindi ko na din napigilan ang pag iyak ko, salamat sa ulan at hindi niya ganong makikita yon"You know my Dad, he'll do everything for that promotion..Hailey... he'll kill my mom if i don't say anything about you."

nanginginig na sabi niya, nakatutok ang hawak kong baril sa kanya ngunit imbis na umatras ay lalo pa itong lumalapit. "Hailey..... you know how much i love my mom." nakangiti niyang sabi. "Please do what they told you to... if it's the only way.... you'll forgive me.... believe me... i understand.... Hailey.... tell my mom... I love her...and..." lumapit siya sakin ngunit hindi ko parin binaba ang baril na hawak ko, niyakap niya ko nang sobrang higpit. "Please be safe, always~~" nataranta ako nang sumigaw si Haizer "The cops are coming! faster Hailey!!!!!"

Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Katana sakin, umatras ako at pumikit "Katana... forgive me." bennnnnggggg!!!

~end of flashback~

Bigla akong nagising at huminga ng malalim, tinignan ko ang librong pinag patungan ko, basa. Kinapa ko ang pisngi ko, basa. Umiyak nanaman ako? Halos mapatalon ako ng makita ang nakaupo sa harap ko.

"Hey,,,are you okay?"
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha na ayaw paring paawat sa pag tulo. Nagulat ako nang sumampa siya sa lamesa at agad na umupo sa kanang upuang katabi ko at kinulong ako sa bisig niya. Hinahagod niya ang likod ko at ang isang kamay niya ay tinatap ang ulo ko.

"Shhhhhhh" alo niya sakin, may kung ano sakin na nagustuhan ang init ng katawan niya kaya naman yinakap ko din siya, halatang nagulat siya ngunit saglit lang yon.

its alrigth...... let it out...... inihiwalay niya ang katawan niya sakin at inayos ang buhok kong nakatikip sa mukha ko, tinignan niya ko nang diresto sa mata.

and... talk to me... kanta niya

----------------------------------

A/N: talk to me - cavetown

pakinggan niyo, ang ganda. Swear!🤞🏻

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon