Kabanata 14

12 2 0
                                    


Hailey's POV

"Ang kulet, hindi nga sabe!" medyo nagulat sila sa sigaw ko pero tumawa nanaman.

"Support ka naman namin e,okay lang yan" pag papatuloy ni Sam. Kanina pa nila ko inaasar kay Raiven. Malas lang nila wala ako sa mood.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos, nakapikit naman na ko pero yung utak ko patuloy lang na naglalakbay sa kung saan saan.

Lumipas ang mag hapon at maayos ko namang nalabanan ang antok.

"Guys, wala daw munang uuwi." anunsyo ni Pia

Letse. Gustong gusto ko na matulog ano ba!

Ilang minuto pa dumating na din ang adviser namin.

"Mga anak, may pupunta ditong mag seseminar sa inyo." panimula niya. Hati naman ang reaksyon nila, bukod sakin. Gusto ko na umuwi

-_-

"Ayon sa mga nakakataas ay taon-taon daw may pumupunta dito para gawin 'yon?"  tanong niya sa mga kaklase ko, tumango naman sila

Akala ko tapos na yon ng may epal na nag taas ng kamay

"kelan po?"

"Walang sinabi e, makikinig lang naman kayo don at kung may konting activity na ipapagawa, makicooperate nalang."

this time ako naman  ang nag  taas ng kamay

"Pwede na po bang umuwi?" tumango naman 'to bilang sagot kaya tumayo na ko

"Let's pray.." sabi ko sabay pikit, naramdam kong tumayo na din sila at nag simula na.

"Di halatang excited lumabas 'no?" si Mina

"Kanina ko pa gustong matulog e, mauna na ko senyo." bahala kayo jan

Nakakailang hakbang palang ako sa hagdan pababa ng may tumawag sakin

"Haileeeeyyyyyy!" lilingonin ko na sana si Shin ng ilang kurap lang ay nasa harap ko na 'to

"Sup"Casual na bati ni Raiven sa tabi niya, mas matangkad si Raiven sa kanya kaya medyo tumingala ako nang konti at sabay na tinaas ang pareho kong kilay bilang pag bati.

tinignan ko si Shin na nasa kanan ni Raiven at binabangga niya ito ng mahina, tinignan naman siya ni Raiven ng masama pero nginitian lang siya na Shin.

"May bibilin kami sa national, gusto mo sumama?"  Alok ni Shin sakin

Umiling naman agad ako

"Kanina ko pa nilalabanan antok ko, ngayon kakampihan ko na kaya una na ko senyo."

Hahakbang na sana ulit ako pababa ng hinarang  ni Shin ang katawan niya kaya tinignan ko 'to ng masama

"Mawawala din yan pag sumama ka samin! libre naman tayo non oh" nguso niya kay Raiven

Lumingon lingon naman 'to sa magkabilang gilid at napaturo sa sarili niya, tumango naman si Shin at pinandilatan ito ng mata, dahan-dahan itong napatango  bilang pag sang ayon sa kaibigan niya kaya sa huli tuwang tuwa 'tong isa.

"See? minsan lang manlibre yan, tara naaa!" ni hindi man lang hiningi ang opinyon ko at hinatak na agad ako pababa

"Hepppppp! san ka pupunta? kala ko maaga kang uuwi kasi "matutulog" ka?" Kompronta ni Yuna nung napadaan kami sa locker hall at andun sila

Mag sasalita na sana ko nang lumapit si Shin sa kanya nakita kong medyo nagulat si Yuna pero napangiti naman ng malawak sa kung ako man ang binulong ni Shin dito.

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon