Kabanata 15

14 2 0
                                    


Hailey's POV

Napagdesisyunan kong manahimik nalang sa sarili kong upuan at umidlip. Pero mukhang malabo dahil sa mga babaeng 'to na kanina pa kinukwesiyon  ang pananahimik ko.

"Wag niyo anuhin, kinikilig yan!" si Pia

"Ano na Hailey? sino gusto mo sa dalawa? si Shin ba o si Raiven??" si Mina

"Mas bet ko si Shin para sayo, cute ng personality eh" si Crystal

"Pwede ba? hindi ako kinikilig at walang pipiliin dahil wala namang pag pipiliian." sagot ko

"Ang cute niyo talaga dito!!!! para kayong mag on! shems bakla! sana ol!!!"  si Pia habang nakatingin sa tinag na picture ni Shin. May picture kaming tatlo don, pero mas madami yung kaming dalawa lang ni Raiven.

"Uy! tabiiiiiiii jan!" pag tataboy ni Yuna kay Mina

"Baket?" reklamo nito

"Buhok ni Hailey naaapakan mo"

Napairap nalang ako sa kawalan

"Kahit ngayon lang mga bakla, masakit ulo ko." pag dadahilan ko, epektib naman dahil umalis agad sila at sa pwesto ni Pia nag  tipon tipon.

Lumipas ang maghapon na puro ako ang puntirya nilang asarin.

"Kayo ba ni Raiven?" si Vystan

"Pati ba naman ikaw?"

"Tatanong lang e"

"Pero alam mo bang.." pag papatuloy niya, napaharap naman ako sa kanya, mukhang chismis eh
"Kung ano yung ugaling nakikita mo sa kanya dito sa school, opposite non yung siya pag sa labas."

Nahalata niya sigurong naging interesado ako sa mga kwento niya kaya nag patuloy siya

"Actually, wala naman siyang gang or something pero kinakatakutan siya nang mga siga sigaan or bully sa loob at labas ng school. Hindi sa sinisiraan ko siya sayo pero, madami na yang naging babae. Ingat ka."

Nginitian ko siya "Di ko naman trip yon, gwapo nga pero hanggang don lang yon"

tumango naman siya sa sagot ko

"Mabuti na yung malinaw"

"Nakakausap ka naman pala ng maayos eh!" asar ko sa kanya na ikinatawa na lang niya

"Ayieeeee!!! Hailey ka pala ah?!" biglang singit ni Jesica, classmate namin

"U-uy hindi ah" kanina lang maayos pa mag salita 'to, nung si Jesica na nauutal na? hmmm

"Aysussssssss, panget na nga babaero pa" eh tangina pala neto eh?!

Pag tapos niyang sabihin yon umalis na siya at bumalik sa mga  kachismisan niya kanina, so dumayo pa talaga siya dito para lang sabihin yon kay Vystan???!

"Yaan mo nalang siya" si Vystan

"Makapag salita yon, kala mo naman ang ganda niya letse!" sabi ko habang nakatingin kay Jesica na daig pa ang taong nasa bundok sa sobrang lakas makipag usap

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon