Hailey's POV
Ngayon ang unang araw ng exam namin for second quarter. Monday ang first day at tuesday ang second day, normal class sa wednesday at wala namang pasok sa thursday dahil sa kinabukasan na friday na ang party.
Wala parin akong date huhuhu
Ayos naman ako sa ibang subject kaya lang tagilid ako sa dalawang major shet, science at math. Tsk! medyo okay pa ng konting koti yung science pero sa math? hays basta ayos ako sa ibang subject.
Last subject na at math yon. Nice.
Gusto ko na sanang mag pasa pero nahiya ako sa mga kaklase kong tahimik na mga nag sisipag solve. Hay buhayyy! nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag iisip kung may date nga ba ko o wala anoooo ba ayaw niyo talaga sakinnn??
:(
Nung nag pasa sila ng papel nag pasa na din ako, nag sagot naman ako pero kinopya ko lang yung tanong at nilagyan ng plus plus hehe.
"Huy, ayos ka lang?" si Yuna
"Oo, mauna na ko sa inyo. May pupuntahan pa ko hehe." paalam ko sa kanila.
San ang punta ko? sa mall syempre!
pero hindi sa mall na malapit dito samin, saan?? edi sa mega mall! bakit don? madalas ako dati don namiss ko lang hehe
Nag park ako sa sa parking lot ng mall at pumasok na sa loob. Hmmmmm memories bring back,, choz! HAHAHA
Wala si mommy, pero sinabi ko naman sa kanyang mag kaka party kami sa school at hinayaan niyang ako nalang ang bumili para sa sarili ko dahil matanda na daw ako, err im only 17 mom, duhhh!
Sa department store ako nag punta, long gown lang naman kaya keri yan! stary night ang theme..
hmmmmmm
ang daming magaganda pero
WALA NA BA TALAGANG GUSTONG MAGING DATE AKOOO????HUHUHUHU
literal na naiiyak ako, eh kasi naman!
Bahala kayo! ayaw niyo sakin ha?! edi fine! mag papaganda ako! tignan ko lang! HMPPPPPP!!!!
"San ka galing?" si Harold
"Mega mall"
"Ginawa mo don?"
"Bumili ng long gown" binigay ko nalang sa kanya yung pasalubong kong pagkain ng manahimik na siya
"Nice, kaya sayo ako eh!" natawa nalang ako sa inasta niya.
Umakyat na ko sa kwarto ko, mag rereview pa sana ko pero natamad na ko. Kaya naman? ayun natulog na lang ako
choz! nanood hehe
inabot ako nang alas dos ng madaling araw, tangina may exam pa pala! shet! shet!!!
Sinubukan kong matulog na
brizzzz brizzzzzzzz
LUH KAKAPIKIT KO LANG?!!!!
No choice. Bumangon na ko at naligo, tss laging sa umaga talaga ako nag sisisi pag puyat, argh!
"Good morning everyone, sorry im late." oo, late. Baket? TRAPIK PA PAKSHETTTT
kung kelan nag mamadali nga naman oh
nag take na ko nang exam, medyo kampante ako ngayon kasi wala ng math, yessss!!!
"HAY SALAMAT TAPOS NAAA!" si sam"that means,," si Mina
"ACQUAINTANCE NA SA FRIDAYYYYY!!" si pia
"WOOOOOOOOOOO!!" nakisigaw din ako para di halatang malungkot, huhu wala akong dateeeeT_T
Nag paalam na ko sa kanila, mag tatanong lang yung mga yon wala akong masasagot sa kanila.
Kakapasok ko lang sa kotse ko nang mag vibrate ako phone ko, sinagot ko yon pero as usual di ako nag salita
"Hi babe!" napairap ako sa kawalan, kilalang kilala ko ang boses na yon
"What do you want?" tumawa naman siya sa kabilang linya
"I want you." binaba ko na ang tawag at sinusian ang kotse ko nang may humarang sa unahan, realllyyy?!!!!
Bumaba ako
"Hailey!" aakma siyang yayakap pero iniharang ko na ang palad ko sa mukha niya kahit medyo matanggakad siya, keri naman.
"Molie......What are you doing here?" tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya
"Namiss kasi kita! di mo ba ko namiss?" nag pout siya, tsk. Yuckk!!!
"Someone's waiting for me, i need to go."
"And who the hell is that?" naka smirk niyang tanong
"Hailey?" it was
"Zion?" omg! omg!!!!
lumapit siya sakin, i mean samin. tsk!
bigla naman akong may naisip, bahala na mamaya.
"Zion, there you are!" kumapit ako sa braso niya
"Why took you so long?" medyo kinurot ko siya, sana naman magets niya!!!
"M-May g-ginawa pa kasi ako, Tama! may ginawa pa ko, sorry...anyways.. who is he?" pag sakay niya sa trip ko
"He's Molie......my childhood friend." pakilala ko kay Molie na halos patayin ako sa tingin
"Wah.... child....hood.. friend?? really Hailey??!!!" asik niya
kinurot ko ulit si Zion
"Ano let's go?" tanong ko
"My car or yours?" dagdag ko pa, napangiti ako nang ibaba niya ang kamay kong nakawak sa braso niya para hawakan iyon, nice one bruh!!!inilahad niya ang palad niya kay Moly
"Nice to meet you dude, im Zion." tumawa ng plastik si Molie at nag walk out, niceeeeee!!!!!
Ng makalayo ito ay ako na ang nag bawi sa kamay ko
"Super thank you Zion!!!" ramdam ko ang pag init ng mukha ko
"No worries, pero.. sino nga ba yon?"
nahihiya ko siyang tinignan"Ex ko, hehe"
"Mukhang di pa siya nakaka move on, ha?" parang ganun na nga.
"Ay.. wait! pano mo nga pala nalaman name ko?" curious lang, bakit baaa
"Hmmm... lets say malapit ka sa puso namin..AHAHAHAHA"eh?!, pero cute niya tumawaaa
"Pano mauna na ko? ingat ka dun sa ex mo nako, baka balikan ka ulit non."
"Ako nang bahala, thank you ulittt!!"
Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive pauwi. Ano nanaman kayang drama gagawin ni Molie? hmmm
