Kabanata 2

14 3 0
                                    


Hailey's POV

Madaling lumipas ang mga araw, 2 weeks ng nakakalipas nung mag pasukan, friday ngayon at mamayang hapon ay ang pag pili ng mga club na pwedeng salihan, bilang lang ang mga estudyante kada club at kung kasali ka na noon sa club na gusto mong salihan ulit ngayon ay reserved na ang slot para sayo, ang mga kaibigan kong sila Mina ay sa pitagorian club,maging si pia kaya lumalabas na maiiwan ako,letse!

Science time ngayon, last subject namin bago mag club meeting, tahimik ang lahat, yung iba ay palihim na natutulog, may ibang lantarang kumakain, may mga nag hoholding hands ew, at eto ako hindi mapigilan ang pag hikab. Napaka lakas ng boses ni sir, hiyang-hiya kami dito sa likod na parang nag sisign language nalang siya.Tinignan ko ang katabi kong si Vystan, na nag pipigil ng tawa sinundan ko kung san siya nakatingin, at ang hayop!

MAY BUTAS ANG MAKAPAL NIYANG NOTEBOOK SA KANANG BAHAGI AT NANDOON ANG CELLPHONE NIYA!! WHAT'S WORSE? NANONOOD SIYA NANG...NANG!!!NANG PORN!! YUCK!!!!!!

Binatukan ko siya at sinita sa ginagawa niya
"Tangina mo, ititigil mo yan o ako mismo mag dadala sayo sa guidance?" nag pout siya at sinara ang notebook niya. "Gago wag kang mag pout mukha kang aso HAHAHA" siniko niya ko, at naramdaman kong uminit ang mukha ko sa hiya ng nasa amin na pala ang atensyon nilang lahat, napayuko nalang ako, tangines naman kase netong katabi ko!!

Tumunog ang kampana, 3 o'clock prayer. Tumayo ang lahat at sinabayan ang dasal, ng matapos ay umalis na din si sir. Okay so club meeting na shet, pano ba seremonya nila dito.

Lumabas ako at tinignan ang mga listahan ng mga club, bawat room kasi ay may mga nakadikit na listahan at may nakadikit din kung anong club ang meron sa room na yon. Nag kukumpulan sila Mina doon kaya lumapit ako, puno na ang club nila, sabi na nga ba mahihiwalay ako sa kanila, kinabahan naman ako bigla, shet! wala akong kakilala sa ibaaa.

Tinignan nila ako at ngumiti naman ako sa kanila at sinabing okay lang, nauna na dahil sa building 2 pa ang room na para sa club nila.
Tinignan ko ulit ang mga listahan, religion at homemakers club nalang ang may slot pa, sa mga narinig ko ay puro lalaki ang mga nasa religion club, parusa kumbaga para daw bumait sila, ang ending? ayun sa homemakers club ako sumali.

San ang homemakers club? san pa edi sa..... sa room,charaan! tss. umupo ako kung san talaga ako nakaupo pag klase. Nag simula ng dumating ang mga tiga ibang grade, junior to senior high ang mga nandito, sabi iba daw ang club para sa mga elem, which is i found cute kasi baka nga naman mahirapan sila sa mga ganto.

May tumabi sakin, kaya tinignan ko kung sino yon, kilala ko siya sa mukha dahil kaklase ko siya pero di ko tanda name niya, kaya ngumiti nalang ako at ganun din ang ginawa niya.

Padami na ng padami ang mga dumadating, karamihan samin dito ay mga babae.
"Three more slots, and we will start." anunsyo ng magiging adviser ata namin dito. Dahil sa sinabi niya ay natuon ang atensyon ko sa pinto, pag katapos ay sa relo ko at sa pinto at sa relo at sa pinto at sa relo-

PUTANGINA....










ANG GWAPO!


Una siyang pumasok pag katapos ang dalawa pang kasama niya ngunit hindi ko na binigyan ng pansin yon, dahil napako na ang atensyon ko sa isang to.  Matangkad... the body.... omygad... his shoulder... his...butt....ang kamay niya... maugat... his jaw line... so perfect... his eyes are cold.. the fucking lips are so red.. the nose... his eye glasses.. WAIT! TABE! BIGYANG GALANG MGA GAGO! LUMUHOD KAYO!!! LUHOD!!! AHHHHHHHHHH BAT ANG GWAPO SHET! 

Kinabahan ako nang bigla siyang tumingin sa gawi namin habang nag lalakad,...papunta siya... di-dito? sinundan ko siya nang tingin, pumunta sila sa likod namin, pag katapos non ay humarap na ko nang mag salita na ang adviser namin para sa club na to.
"Pasensya na kayo at kasalanan niyo din late kayo, wala ng upuan" masungit na sabi niya sa tatlong huling dumating.

"Ako si miss Lipaz, magiging adviser niyo para sa club ngayong taon. Alam kong matagal na panahon ng lumipas ng mag karoon tayo nang mga booth dito sa school, ako na mismo ang nag request ng idea na ibalik yon, at bilang mga homemakers ay mag titinda tayo nang nga pagkain. Mga inumin, sandwhich, graham balls, fries..." marami pa siyang sinabi na hindi ko na naintindihan dahil bigla akong nakaramdam na parang may nakatingin kaya hinayaan ko ang sarili kong hanapin yon at...wait.. bat anjan na siya? akala ko nasa likod ko sila? tumingin ako sa likod at yung dalawang kasama niya lang kanina ang nandon, huh?

Nag botohan para sa club president, vice etc..
Nag assign nadin si miss kung anong mga gagawin namin, hinati niya kami sa pitong grupo na seven din and members.

Ang grupo namin ang gagawa ng pastillias kaya naman nag assign na ng leader at kung ano ang mga dadalin namin, ito ang unang event for this school year and im looking forward to it.

Uwian na. Pababa ako nang hagdan ng makarinig ako nang suntukan. Kaya naman nag tago ako sa hindi nila makikita at sinilip kung san iyon. Sa cr ng boys sa baba!
"Ano kala ko ba matapang ka? asan na bayag mong gago ka?!" at nakarinig nanaman ako nang suntok, sabay tawanan ng iba, mga kasama siguro nila. Bumaba ako para sana awatin na sila ng may  bagong pumasok sa cr, derederetso lang ito sa pagpasok na para bang walang mga nag aaway sa loob non.

Naestatwa naman ang mga nasa loob at halos mag unahan sa pag labas, napakunot ang noo ko sa nangyari. Pinanood ko silang papalayo at ibinalik ang tingin sa cr, ngunit wala na doon ang lalaki? huh?! asan yon? sino yon? the hell?

Medyo Marupok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon