Hailey's POVBwisit na bwisit ako, bakit? nag lipatan ng upuan at TINABI SAKIN NI MS SI YUNA!!!!!
ARGH!!!
"Wag kang maarte, kala mo naman bet din kitang katabi." sabay irap niya, pwede ko bang sapakin to? isa lang oh, pasapak isang isa lang!!!
"Okay, so everyone get one fourth sheet of paper!" si Ms
Bigla nalang may naglapag ng papel sa desk ko, kahit di ko tignan halata naman, it was Yuna.
**
"Hailey?" tawag sa pangalan ko nung guidance councilor namin, kaya naman tumayo ako.
"Po?"
"Sabi ni sister lagi ka daw nag susuklay at nag lilip tint sa klase niya." nanlaki ang mga mata ko
"What ms?! ganto kaikling buhok? susuklayin kopa? and liptint??? ni powder nga po wala ako." napatingin ako kay Yuna na tatawa tawa, argh!!!!!!!!!!!
"It wasn't me ms, si Yuna po yon, look." nasa desk ni Yuna ang mga patunay. Lumapit naman agad yung councilor samin
"Aba'y oo nga ano, sorry Miss Martinez." sa tawa ni Yuna ay halos nahirapan na 'tong huminga, matuluyan ka sana!
**
Math. Hirap na hirap ako at quiz namin ngayon. ARGHH!!!
napatingin ako sa katabi ko dahil siniko niya ko
"What?" pabulong na tanong ko
"Akin na yung papel mo" si Yuna
"Huh?" kinuha niya ang papel ko na wala man lang kasulat sulat at binigay niya sakin ang kanya
"Lagyan mo nalang ng pangalan mo." hindi ko parin siya magets kaya tinignan ko lang iyon, mas lalo akong nagulat nung ilagay niya ang pangalan ko sa papel niya at nilagay iyon sa desk ko
"What are you doing??" pabulong ko paring sabi, ang guloooo
"Shhhhh" nakangiti niyang saway sakin at mag simula ng mag sulat sa papel ko kanina
"10 more minutes!" si sir
Lalong bumilis mag sulat si Yuna dahil don, Tinignan ko naman ang papel na nasa desk ko. Did she just gave me her quiz?
Nong araw na din yon ay chinekan namin ang quiz
"Wow! Hailey, nataasan mo pa ko!" si Pia na nangapitbahay sakin, I got 23 over 25 habang si Pia naman ay 20, tinignan ko si Yuna, she got the perfect score.Nginitian niya ko. huhhhhhhh???!!! diba mag kaaway kamiii??! i don't get her
**
PE time. Our lesson for today ay swimming. Tangina lang kasi di ako marunong lumangoy, kapartner ko si Yuna dahil kung sino daw ang mag katabi sa upuan ay yon daw. Bali race siya kaya lang ay by pair.
"Ngayon pa lang wag ka nang umasang mananalo tayo, wala akong alam sa langoy.sabi ko sa kanya
"Ayos lang, lagi ka namang walang alam." inirapan ko nalang siya
"Ready? set, go!!!!!" sinabayan ko si Yuna sa pag talon at hindi na ko nakaangat pa, eto na nga ba sinasabi ko, tulongggggggggg!!!! nag hanap ako nang makakapitan pero wala, di ko kayang umusad man lang don sa may bakal, kinakabahan na ko gago!! habang nag papanic ay may humila sakin papunta sa gilid kung nasan ang bakal, it was Yuna
"Hayop!!! thank you!" inirapan niya lang ako pero ngumiti ako at nag lahad ng palad
"Friends?" kinuha niya naman yon
"Whatever."
**
" Grabe i still can't believe, parang kaylan lang you guys are best enemy." si Mina, Lunch time at kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari kung pano ko naging kaibigan tong si Yuna na nakaupo ngayon sa may kaliwang side ko at kumakain
"Nga pala......." si Mina
Napatingin naman kami sa kanya
"What?" si Sam
"Next next week na ang......ACQUAINTANCE PARTYYY!!" si Mina na parang kilig na kilig pa
"Diba para lang yon sa mga senior high to collage? tanong ko at mabilis namang umiling si Pia
"Sinudggest ni mister president na isama pati tayong grade 10 dahil moving up na tayo this year at baka daw hindi na dito mag aral yung iba, kaya mas mabuting maranasan din daw natin 'to." paliwanag ni Pia
"Sabagay, may point siya don." pag sang ayon ko
"Or baka ikaw lang talaga gustong isama sa party at nadamay lang kami?! HAHAHAHAHA" si Crystal, tss ano nanaman bang kagaguhan yan, tinignan ko siya nang masama
Nagulat kaming lahat ng may lumapit saming grupo ng mga lalaki at...... lumapit yung pinaka matangkad na maitim kay.... Yuna? may binigay siya ditong pink na paper bag
"Bye love!" sabi nung lalaki kay Yuna, nginitian niya naman ito
"EWWWWWWWWW" nag tawanan kami dahil sabay sabay namin yung sinabi, iiling-iling lang si Yuna
